Chapter 13 : Neoma and Solei

54 10 0
                                    

Chapter 13 : Neoma and Solei

SEREL

Inabot ko kay Astoria ang isang tubig ng magising na ito. She must be thirsty. Narito na rin ang Astroloheirs ng mabalitaan na si Astoria ay nagising na. Lahat ay masaya dahil sa wakas ay gising na si Astoria, noong una ay nag-aalala pa ako na baka matagal pa bago siya muling maka-bawi ng lakas.

Inobserbahan ko siya at napansin na maayos na ang kanyang lagay. Umalis muna ako sa kanyang tabi upang mabigyan ang iba ng oras upang kamustahin siya.

Tumabi ako sa may pintuan kung nasaan si Dawn. Pinag-mamasdan lamang nito ang buong silid kung saan napupuno ng mga boses na nag-aalala kay Astoria.

"Serel," Nawala ang atensyon ko sa silid at bumaling sa aking kapatid ng tawagin niya ako.

"Hmm?"

"Are you okay without the Flaries?" Tanong niya, marahil nag-aalala ito sa aking kalagayan gayong wala na sa akin ang Flaries.

Upang mabawasan ang inaalala ni Dawn ay binigyan ko siya ng isang ngiti.

"Ayos lang ako. Isa pa, mayroong nambu-bwisit sa akin kada araw." I chuckled, remembering the annoying Grim Reaper who's been with me all the time.

"What do you mean?" Kumunot ang noo niya, nag-taka sa aking sinabi.

"Look there," I pointed my fingers on Felin, leaning on one of the tables.

Tumingin doon si Dawn at pinag-masdan ng maigi ang aking itinuro. His eyes squinted as if he's starting to realize who's the person I am pertaining to. Napansin ni Felin na naka-tingin kaming dalawa sa kanya kaya naman kumaway ito.

"Oh, I know him." Pahayag ni Dawn ng sa wakas ay naalala na si Felin.

"Esmeray," Tawag ni Dawn sa kanyang Pixie. Lumabas si Esmeray sa kanyang balikat.

"Yes? Dawnie?" I laughed silently when Esmeray pinched my brother's chin, as if it's teasing him.

"Don't call me that," Sinamaan ni Dawn ng tingin ang kanyang Pixie.

"Do you like to accompany Serel for a while?" Bumaling sa akin si Dawn at sumulyap kay Esmeray.

"Pinamimigay mo na ba ako, Dawn!?" Suminghap ito, tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig mula sa kanyang pinag-sisilbihan.

"I am just asking if you can accompany Serel. She has no Pixie nor Flaries at the moment." Pag-lilinaw ni Dawn dahil iba talaga ang iniisip ni Esmeray.

"You know, I hate the fact that you are trying to hand me to someone but if it's Serel, then no problem!" Gamit ang maliit na daliri ni Esmeray ay nag thumbs up ito sa akin at kumindat.

Napailing ako.

"Sinasabi mo kanina na ipinamimigay kita pero gusto mo naman." I saw how my brother pouted, tumawa ako. Ilang segundo lamang ata iyon at ako lang ang nakapansin.

"I just don't like the fact that I have to serve a boy, okay?" Pag-susungit ni Esmeray.

"So, Serel. You're my mistress now!?" Excited akong tinanong ni Esmeray.

Inscribed Fate: Eclipse of ReinstateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon