Prologue

253 15 0
                                    

Prologue

"This one is cute, what do you think?" Itinapat saakin ni Flare ang isang damit mula sa isang shop na aming pinasukan. Kulang dilaw iyon na bistida, nang maiabot niya iyon sa akin ay tsaka naman siya namili ng bago sa kabilang banda ng iba pang damit.

Nilingon ko si Nadia at Aquacia na parehong aliw na aliw sa mga damit na kanilang nakikita. I forgot to mention that we are in a dress shop here in Spain. Ilang linggo na rin simula noong nag-punta kami sa iba't ibang bansa na kanilang nagustuhan. It's like we're having a world tour. Last day na namin ngayon kaya naman suhestiyon ni Flare na mamili kami ng aming mga damit para souvenir pag-uwi.

Halatang halata sa mukha ng mga ito ang pagka-mangha sa ilang damit na nakasabit. Maging sa labas na puno ng iba't ibang klase ng sasakyan. Hindi ko sila masisisi, kahit na nakagala na kami ay kita ko pa rin ang pagkamangha sa kanila. Sa bagay, ibang iba nga naman ang Versailles sa mga bagay na narito.

The life in Versailles is very simple yet it's extraordinary. Halos lahat ay may kani-kaniyang paraan para sa pamumuhay araw araw.

Napakurap ako ng mabalik ako sa reyalidad. Tumagos ang aking tingin mula sa window glass ng boutique hanggang katapat nitong store. Nanigkit ang aking mga mata habang naka--tingin doon. Mukha iyong bookstore.

Nang masiguro ko na bookstore nga iyon ay hinanap ng aking mga mata si Meissa na naka-upo sa isang tabi ng boutique habang nasa dressing room si Fleri. Lumapit ako sa kanya.

"I'll go. I wanted to look on the book store I just saw." Paalam ko rito. She looked on the opposite store of the boutique as if she knew that I was talking about that store and stood up.

"I'll come," She stated.

We both crossed the road to reach the book store from the other side. Tila walang tao sa loob ng sumilip ako mula sa glass window ngunit tumuloy pa rin ako a loob. Nang itulak ko ang pintuan ay tumunog ang maliit na bell sa itaas noon, isa iyong tanda na mayroong pumasok o lumabas sa isang shop. Halos lahat ng boutique na napuntahan namin ay may bell sa itaas.

Nag-simula na kaming dalawa ni Meissa na mag-ikot-ikot sa loob ng shop. Para itong library at malaki rin. Iba't ibang klase ng libro ang aking mga nakikita. Naagaw ng atensyon ko ang naka-lahad sa gitna na mga libro. May naka-lagay na sign ng "New Books,"

"The writer's undecided plot...?" Natuon kay Meissa ang aking atensyon ng isaboses niya ang kanyang binasang pamagat ng isang libro. Kumunot ang noo ko at nakuryoso rin doon.

"Ano 'yan?" Tanong ko at tinignan ang libro na ngayon ay hawak na niya. Iisa lamang ang kopya noon sa lahat ng mga libro ng sinubukan kong humanap upang tignan.

"Hindi ko alam. Napansin ko lang," She shrugged and continued to look on the book.

"Wala siyang ibang kopya. Could it be out of stock already?"

"I don't know. The book doesn't have much details too. The book cover only showed it's writer and it's title." Meissa tilted the book to show me the book cover she was talking about.

"M.O.E? Pen name?" Basa ko sa naka-sulat.

"Maybe initials---" Naputol ang balak sabihin ni Meissa ng mayroong lalaking biglang sumulpot mula sa likod ng shelf.

Inscribed Fate: Eclipse of ReinstateWhere stories live. Discover now