Chapter 4 : The Search

77 16 3
                                    

Chapter 4 : The Search


I walked out from that side of the library and left Felin after he said those words. Lumabas ako at nakitang naroroon na ang astroloheirs sa isang lamesa ay may libro ng naka-patong sa lamesa, marahil iyon na ang isa sa libro na mayroong impormasyon patungkol sa  nawawalang descendant of time.

Zafira's child will take a big part of this mission. Kapag nagawa na niyang ayusin ang mga portal, isa na rin siya saamin. Kikilalanin siya bilang astroloheir kagaya namin. But I'm thinking if we're already ready to face it. Isa pa ay namomroblema kami na baka nasa Mortal Domain ito dinala, wala kaming kasiguraduhan na narito nga siya sa Versailles. Maaaring pareho kaming dalawa na napunta sa Mortal Domain at isa iyong malaking problema para sa aming parte dahil sarado ang mga portal at masyadong malaki ang Mortal Domain upang mahanap namin siya.

"What took you so long?" Bungad saakin ni Fisso, I shrugged and sat beside him.

"Some Grim reaper just showed up and bothered me somewhere." Tanging sagot ko, lahat naman sila ay napakunot ang noo sa sinabi ko dahil hindi nila iyon naintindihan ngunit hindi ko na dinugtungan ang aking salita. I don't have the luxury to story tell them about my encounter with Felin.

"Hoy, Grabe ka sa'kin!" Narinig ko ang boses ni Felin kung saan kaya umirap ako.

Naramdaman kong nakatitig pa rin sila saakin at tila nag-iintay ng paliwanag ko tungkol sa nabanggit ko kanina ngunit gaya ng sinabi ko, wala akong balak na ikwento iyon sa kanila kaya umayos ako ng upo bago tumikhim.

"Nevermind." Singhap ko.

"I found this book and it contains the informations about the era when the Goddesses gave birth to their childs." tumango kami sa sinabi ni Aquacia at natimtim na nakikinig sa mga sasabihin nito.

"It stated that the three goddesses, Brillar, Estrella, and Zafira's child will be born." Tumango kami ng ituro niya ang parte ng libro kung saan naka-lagay ang impormasyon na iyon.

"Kumpara sa astrology na apat na elemento lamang ang elements, mas malakas ang magiging anak nila dahil nag-mula mismo sa sinapupunan ng isang Godess ang mga sinilang na bata." Napaisip naman ako dahil doon.

Alam ko na lahat ay maka-kapangyarihan basta mayroon kang kakayahan sa isang bagay. Ngunit tama nga naman ang libro dahil ang astrology ay ginawa upang manahin ang apoy, tubig, hangin, at lupa na mga elemento. At kung anak ka ng isang godess, mamanahin mo ang lahat ng kakayahan nila, hindi lamang ang kanilang elemento. Ngunit base na rin iyon sa kung gaano mo kakayanin.

"Marami ang nabahala sa pagka-silang ng mga bata, lalo pa at sa era na ito, nagkakagulo sa Utopia dahil sa kasalanan ni Astralea." napantig ang tenga ko sa narinig.

"That era was when Astralea transferred the elements given to her to the stones?" Gulat na tanong ni Flare, tumango naman si Aquacia.

"Kung ganoon, hindi pa buhay ang Astrology dito sa panahon na ito." konklusyon ni Meissa, napakunot ang noo ko at napaisip dahil rin doon.

"But how did they compared the Astrology to the kids born earlier than them?" Napokus saakin ang atensyon nila, tama naman ang pinupinto ko dahil kung tama ang pagkakarinig ko, kapanahunan pa noong pinarurusahan nila si Astralea.

"They have Ceres," napakunot ang noo ko dahil doon, Ceres? saan ko nga narinig ang pangalan na iyon?

"Remember when we're looking for Calysus and we consulted Astralea about it? She revealed about the Goddess of Light, Ceres, and the God of Dark, Calysus." Umiling ako sa sinabi ni Fisso, no.

"Hindi siya kasama noon, she's still under Gloriosa that time." Pagbibigay alam ni Aquacia kay Fisso.

"I heard that name somewhere, I just can't think where." Saad ko at pilit iniisip kung saan ko iyon narinig.

Inscribed Fate: Eclipse of ReinstateWhere stories live. Discover now