"Gaano ba kalakas ang tunog?!"

Walang napansin kay Flame. Diniinan ko ang takip ko sa aking tenga. Ang sakit sa tenga ng tunog! Nakakahilo!

"Gunner, Babe, hoy!"

"Tama na! Tangina!" sigaw ni Gunner.

May nabasag na baso sa isang cabinet sa sobrang lakas ng tunog! Mga dalawang minutong tumunog ang alarm na yon bago tuluyang tumigil. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko matapos ang tanong. Si Gunner naman ay napadabog bigla sa galit!

"Oy huwag ka magdabog!"

"Flame, pwede ba? Huwag ka nga munang makulit! Huwag kang sumabay!"

Mukhang nagalit si Flame. "Tss. Ewan. Bahala na. Walang natulong sa'kin makaintindi. Bahala na kung mamatay din ako. Wala naman lagi may pake."

Bigla namang parang natauhan si Gunner.

"Ang kulit mo kasi----"

Tinalikuran siya ni Flame. Padabog na umupo si Flame sa sofa at tahimik na pinaglaruan ang roleta.

"Oy, Flame." tawag ni Gunner.

Hindi siya pinansin nito. Inikot lang ni Flame ang roleta at dinedma si Gunner. Tahimik niyang iniikot ang roleta nang biglang tumunog ito ng kakaiba. Nagulat ako nang bigla itong nagkailaw ulit na kulay pula. Maski si Flame ay natigilan at napaharap bigla sa'min na nanlalaki ang mata. What just happened?

Patuloy na umiikot ang roleta dahil sa ginawa ni Flame.

"Anong nangyari? Bakit umilaw na naman? Panalo na tayong tatlo ah?!" sunod sunod na sabi ni Gunner saka lumapit sa roleta. Sinilip niya ito at agad siyang natigilan.

Why? What's wrong?

"Anong meron?" tanong ko tuloy.

Tumayo na rin ako at sumilip sa nangyari. Tumigil na ang ikot ng roleta. Pagkalapit at pagkasilip ko ay may kakaibang nagbago na sa roleta namin. Instead of seeing the rock, paper, scissors logo, it's now showing different logos. It's now showing the three forms of death showed in the creepy video.

Squash. Shred. Slice.

'Yon ang label sa logos sa roulette. Mayroong giant metal, giant shredding machine at metal bed na logos. Are we in charge of choosing the form of death of the next member that will be eliminated?

Siguro oo.

Kasi iyak nang iyak si Flame.

The roulette stopped in the third logo.

Someone will be sliced in half from Decagon.

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o JAVA


Umilaw na ang kwarto pagkatapos ng nakakarinding alarm. I think it's the cue that we're going to play the next round. Lumabas na ulit sa screen ang kabilang grupo.

Nakita ko sina Dorothy, Hera, at Ichiro. Tila kinakausap nina Dorothy at Hera si Ichiro. Mukhang siya ang gusto nilang magspin ng roulette. Hindi makaimik si Ichiro, nakatingin lang siya sa screen.

"Ichiro's watching you..." sabi ni Echo.

Napatingin tuloy ako sa kanya.

"He can't fight us. He won't even try. Nandito ka kasi Java." dagdag niya. "Kung siya ang mag-iikot ng roleta ng kamatayan, sigurado akong magpapatalo siya para sa'yo."

Tumango si Alpha.

Napakagat ako ng labi.

"Sino mag-iikot sa'tin?" tanong ni Alpha habang nalapit. Inalalayan siya ni Echo. "Gusto niyo ako na lang?"

Napalunok ako. Ayokong mag-ikot. Kami ang natalo dahil sa'kin. Walang umimik sa'min ni Echo. So it's going to be Alpha then.

"I knew it. Hindi niyo sila kayang kalabanin. Nasa kanila si Dorothy at Ichiro." mapait na ngiti ang pinakita niya.

Hindi kakayanin ng konsensya ko.

"Let's spin the rouletteeeeeeeee!" pakantang sabi ng nakamaskarang teddy bear.

Napapikit ako sa kaba.

I don't know what to feel!

Dumilat ako at tumingin sa screen. Si Hera ang makakalaban ni Alpha. Ichiro never took his eyes from the screen. Parehas sila ni Dorothy.

Hindi ko alam pero bumigay na naman ako.

Nagbagsakan ang luha ko.

Bakit umabot kami sa ganito?

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o DOROTHY


"Let me cherish seeing her one last time if this will be my last day...." bulong ni Ichiro.

"Dorothy..." tawag niya sa'kin bigla.

Mapait siyang ngumiti. "Ako na ata ang susunod kay Claude."

"Tumigil. Walang susunod kay Claude. Hindi ako papayag." madiin na sabi ni Hera. "Huwag nga kayo mawalan ng pag-asa. Matatapang tayo diba?!"

Ngumiti lang si Ichiro.

Inikot na ni Alpha ang roleta sa kabila.

The last round will start.

Are we going to make it?

Inikot na din ni Hera ang roleta namin. Nagyakapan kaming tatlo matapos niyang ikutin iyon. Hinalikan kami sa noo ni Ichiro. Ayoko ng ganito! Pakiramdam ko ay namamaalam siya! Ang sakit!

"At least we tried, right?" sabi ni Ichiro.

Pabagal na nang pabagal ang ikot ng roleta.

.... Hanggang sa tuluyan itong tumigil.

Walang nagsalita sa'min maski sa kabilang grupo. Walang nakaimik. Halos lahat ay hindi makagalaw.

The roulette stopped spinning and it felt like our hearts also stopped beating.

Napalitan ang nasa screen.

Inanunsyo ang mga nominated na member ng Decagon.


Are we going to make it?

Too bad, we didn't.

▬▬▬▬▬▬▬

✦ ◉ •

𝘿𝙊𝙇𝙇𝙃𝙊𝙐𝙎𝙀

── ♡├o Hi Viewer,
Thank you for watching
DOLLHOUSE - Day 02.
We're hoping you could
answer our quick survey.
Here's the 3 nominated
Dolls inside the House:

Nominated Dolls:
● DOLL04 - Dorothy
● DOLL08 - Hera
● DOLL09 - Ichiro

Who will you save and why?

Send your answers here:
welcometodollhouse.com/decagon/day02

▬▬▬▬▬▬▬

TO BE CONTINUED.

── ♡├o sheena's note:
Surprise. Wala pa namamatay XD
May hula na ba kayo sino susunod?

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now