“Ahhh okay.” Sagot ko sa kanya.

Malayo-layo pa ang lalakarin namin dahil nasa may padulo ang puntod ni Benji. At hindi pa lumilipas ang isang minuto simula ng magsabay kami ni Paige ay nagiging awkward na ang atmosphere sa aming dalawa.

Alam ko na naman na madaldal ako, si Devin nga suko sa kadaldalan ko pero pagdating kay Paige parang nawalan ata ako ng dila. Bakit kasi parang ang perfect nya, nahihiya tuloy akong magsalita baka magkamali ako.

“Bakit ang tahimik mo ata Cathy?” Pagbabasag ni Paige sa katahimikan. Hay! Buti na lang at nagsalita sya wala talaga kasi akong maisip na topic.

“Nahihiya kasi ako sayo.” Pag-aamin ko sa kanya.

“Bakit ka naman mahihiya sakin? Di’ba friends na tayo? Maliban nalang kung hindi pa pala tayo friends?” Tanong nya sakin.

At parang nalungkot naman sya dun sa idea na kanina pa kami magkasama pero hindi parin pala kami magkaibigan.

Mabilis ko namang kinaway-kaway pa-ekis ang dalawang kamay ko sabay sabing “Syempre hindi.”

“Ay sorry, akala ko kasi magkaibigan na tayo.” malungkot na sabi nya. OMG she got me wrong.

“That’s not what I mean Paige, ang ibig kong sabihin dun sa hindi ay hindi na hindi tayo magkaibigan kasi from the very start I talked to you I already considered you as my friend.” Parang napapansin ko ang laki ng influence sakin ni lance napapadalas na din ang English ko ha!

“Talaga!” Masayang sabi ni Paige. Nagulat naman ako ng bigla nya akong yakapin.

Nawala naman yung awkwardness namin kanina at ang dami ng nakwento sakin ni Paige. Sobrang bubbly nya kaya nawala na din ang hiya ko kanina sa kanya.  

“Is it okay cathy to ask you a question about your mom?” Tanong nya sakin. Mukhang malapit na din sa exit dahil natatandaan ko itong nadadaanan namin ngayon.

“Ayos lang. Ano ba ang gusto mong itanong?” Maayos na yung ganito at may pinaguusapan kami hindi katulad kanina magkabaliw-baliw na ako kakaisip kung anong pwedeng sabihin sa kanya.

“Anong ikinamatay nya?” Tanong nya sakin.

“Leukemia. Huli na ng malaman namin na may sakit si nanay kaya hindi na napigilan ng mga doctor ang pagkalat ng cancer nya.” Dalawang buwan din kaming pabalik-balik nun sa hospital para makapagpa-chemo si nanay at hindi biro ang bayad sa bawat session nun kaya nabaon kami sa utang.

Lumipas ang isang minuto ng wala ni isa samin ang nagsalita hanggang sa tanuning ako ni Paige.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu