Biglang nagtakip sila Gunner at Babe ng tenga. Parang naririndi na ewan ang dalawa. Ako eto tamang nood lang sa dalawa. Siguro tumutunog na naman 'yong punyetang alarm!

Inikot ko lang ulit ang roleta---- nagulat ako nang biglang nagkaroon ng ilaw na pula sa roletang 'to. Napaatras tuloy ako bigla.

Uhmm. What the hell?

Sinisigawan ata ako ni Gunner. Ewan ko, biglang nagbago timpla ng mukha niya tapos namumula na naman siya sa galit. Mukha nga siyang nasigaw. Nagulat ako nang bigla niya kong hinila palayo sa roleta. What's wrong?!

Bakit ba umilaw?!

Tumigil ang ikot ng roleta at tumapat ito sa.... bato.

Sa screen ay may lumabas din na rock sign.

Oh shit.

Is it already starting?!!!!

ABA MALAY KO NAMAN KASI!

Napasapo ako ng noo.

Like what I said, malas ako sa ganito!
   
 

▬▬▬▬▬▬▬
 


 

── ♡├o BABE
 


 

"Dati 'yong polaroid, ginawa mong paper plane at origami. Ngayon naman ginawa mong manibela ang roleta!" sigaw ni Gunner.

Buti hindi siya naririnig ni Flame. Geez. Our team is hopeless!

"Hindi kita naririnig, Gunner! Pero sure ako na sinisigawan mo 'ko!" sigaw ni Flame. "Malay ko bang simula na pala! Bingi na 'ko diba! Bingi! Bingi! Bingi!'

"Dapat kasi hindi mo nalang ginalaw!"

"Ewan! Wala akong maintindihan!" sagot ni Flame.

"Tangina." mura na naman ni Gunner.

"BAKIT MO KO MINUMURA?!"

"Akala ko ba wala kang naririnig?!"

"Nabasa ko labi mo!"

At nagsigawan na nga sila lalo. Tahimik kong pinanood ang screen. The other group is watching us.

Sana sa ibang group nalang ako. Ayoko dito. Ang gulo.

Kumaway ako sa kabilang grupom

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o HERA
  

Kumaway si Dorothy pabalik kay Babe.

"Ano ba 'to si Flame. Bakit inikot agad?" komento ni Ichiro habang nakangiwing pinapanood ang kabilang grupo sa screen.

Napapanood namin na pinapagalitan ni Gunner si Flame. Tumunog ang alarm kanina, senyales na magsisimula na ang laro.  Malamang ay hindi 'yon narinig ni Flame kaya pinaglaruan niya padin ang roleta. Bakit ba kasi niya ginawang laruan?

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now