FORTY ONE: Iloxia

455 17 20
                                    

Shexter 41: Maybe, when everything is over.


Y A X L E'  S   P O V

"Daddy! Daddy! I'm scared, don't leave me!" Rinig kong malakas na sigaw ng isang batang babae. Agad akong nag panic nang makita ang sitwasyon nila. Isang kotse ang nakatagilid at malapit nang mahulog sa mataas na bangin. "Don't cry baby daddy is here!" The man in mid thirties comforted the girl. Iyak ito ng iyak. Agad akong lumapit sa kanila para tulungan sila. I was about to grab hold the little girl, but I can't. Dahil nagpawang kaluluwa ang katawan ko at lumulusot lang iyon sa lahat ng hawakan ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng makitang malapit na bumitaw sa pagkaka-kapit ang kotse. I don't know what to do!


"GO ON XIAOLI! JUMP OVER THERE! SUSUNOD SI DADDY!"



"But daddy Xiaoli can't leave you!" The child shouted back. Halos manginig ang kamay ko sa intense ng pangyayari. The man cupped his daughter's face and kissed her on her forehead gently. He smiled at her.


"Go baby. Hindi mawawala si daddy okay? Lagi mong tatandaan mahal na mahal kita, kayo ng mommy mo at ng kuya mo. You will always be on my heart." He said.



"Daddy natatakot ako."




"No baby don't. Sige na you can do it! Diba ayaw mong malungkot si mommy?"




"Opo daddy, Xiaoli's gonna jump now!" Inalalayan ng lalaki ang anak niya at maingat na iniwasang magalaw ang kotse. But he can't reach the road. Nagulat ako ng mabilis siyang gumalaw at agad na inihagis ang batang babae palabas ng sasakyan. The girl landed safe, but the car's now collapsing.



"I love you so much Xiaoli." The man said at last with a smile on his face. Kasunod non ang napaka lakas na tunog ng pagka-hulog sa malalim na bangil. Walang nagawa ang batang babae kundi umiyak ng umiyak. She picked up a blue rabbit stuff toy and hugged it. She's crying so bad at may iilang gasgas sa katawan gawa ng pag landing niya sa kalsada. Habang ako ay nandito nakatulala lang sa kawalan. I can't even move my body.


What was that. What is happening? Sino sila? Hindi ko alam. Pero sobrang pamilyar sakin ng lahat. Pakiramdaman ko ay nakita kona to dati pa.


"I'm scared, huhu."


Second passed ng magulat ako dahil nag-iba na ang kapaligiran. Parang magic, ang kaninang maliwanag na araw ay napalitan ng makulimlim na paligid.



Malakas na ulan, kidlat at ihip ng hangin.


"Daddy, where are you daddy!" It's the baby girl from the scene a while ago. Naglalakad ito sa gilid ng kalsada habang yakap yakap ang stuff toy niyang dala dala. She's still crying, madungis at basang basa. "D-daddy.." Nagulat ako ng bigla nalang siyang matumba sa gitna ng daan. She lost consciousness.

She needs help.


Hanggang sa may isang magarang sasakyan ang napadaan. Kahit malakas ang ulan ay hinintuan nito ang batang babae. But I was so shocked when I saw who's the man getting out of his car. Walang payong payong ay tumakbo siya para daluhan ang batang babae. He carried her at agad na ipinasok sa sasakyan.



It's weird because that man, is my dad.


"Don't worry, you're now safe."




Agad akong napadilat at napa-balikwas ng upo. Hinihingal akong napa-tingin sa paligid, pero madilim na kwarto kona ang bumungad sakin. It was just a dream.

It Started with a Sex: EXOWhere stories live. Discover now