TWENTY: Troll king

687 19 2
                                    

Shexter 20: Gong Jae Kwang?

Y A X L E' S  P O V

It's been week mula nung hinostage sila dahil sa katangahan rin nila. Hindi sila makapaniwala non kaya binalik kona lang yung pabebe act at pinilit na iwasan yung mga tanong nila. Unti-unti narin naman silang nakapag-adjust. And it's a relief na hindi naka rating sa media yung nangyari. May silbi rin pala yung Manager nila kahit papano dahil binlock nila lahat ng resources para hindi na kumalat. Kauuwi lang namin ngayon sa bahay. Pagod na pagod sila ngayong nagsi-hilata sofa. I just sighed. Kagagaling lang kasi namin sa isang TV Show guesting at dinumog sila ng mga fan so— ayan, mga pagod.

"Mga Oppa? Anong gusto niyong pagkainnn?" Jolly kong tanong sa kanila.

"WAAAAA! Sakin Yaxle pedeng icecream?!"

"Gusto ko ng bubble tea!"

"Gawin monang dalawa yung bubble tea, chocolate flavor."

"Ibili moko ng bunssss katulad nung laging kinakain ni Xiumin Hyung!"

"WAAA! WAG MONG KAKALIMUTAN YUNG ICECREAM KO YAXLE!" Nanlalaki pa yung mata ni Tao habang sinasabi yan. Napa-iling nalang ako sa kanila. Para silang nabuhay na ewan. "Sige mga Oppa!" Masiglang sabi ko sa kanila bago tumalikod palabas. Narinig kopa yung pahabol na sigaw ni Sehun na 'coffee flavor'. Napa-irap nalang ako sa hangin. Feel na feel nila yung utusan nila. Mga leche. Pagdating ko sa parking lot ay pinindot ko yung unlock at tumunog naman yung kotse ko. Tahimik lang naman tong baby ko and I don't think so na lalabas pa sila kaya no worries na makita nilang sakin to.



"Wag mo sabihing sayo yan?" Nagulat ako sa boses na narinig ko kaya agad akong napalingon. I saw Chen na nakasandal sa hood ng kotse niya. Paktay na.. shit. Hindi ako nakasagot agad. Agad akong nag-isip ng maidadahilan pero,


"Pffft. Grabe yung reaction mo para kang tinakasan ng dugo!" Natatawang sabi niya. Literal na napa-kunot ang noo ko. Nakatawa siyang naglakad palapit sakin. "Don't worry, alam ko naman e." Sabi niya ulit. Napanganga ako. What the fuck? Anong alam niya? Pano niya nalaman?


"Naalala mo nung unang beses tayong pupunta sa SMent? I saw your keys, bigla mong tinago sa bulsa mo nung sinabi ni Chanyeol na kay manager hyung yan." Tukoy pa niya sa baby ko. Napasimangot ako. At nag pout. Sira ulo talaga tong isang to no?

"Alam mo, tapos hinayaan mo naman akong sumabay sayo." I said at napasandal narin sa kotse ko. He crossed his arms at tska tumingin sa taas na para bang may ini-isip.


"Hmm. Bat nga ba? E kasi naisip kong sakyan nalang yung trip mo. At tska, hindi pako ako masiyadong sure non. Nakasigurado lang ako nung makita kitang makipag laban. Cool na kotse para sa isang cool na babae." Sabay ngisi pa niya na parang proud na proud siya sa sinabi. "Pero syempre, mas cool parin ako sayo." Napa-iling nalang ako at tska binuksan ang pintuan ng kotse ko. Umaandar nanaman ang kahanginan ng instant aircon ng EXO. "San ka punta? Sama ko!" Napatigil ako at tska siya kinunutan ng noo. Tanga rin to si Chen eno?

"Wala kang disguise!" Malakas na sabi ko sa kanya. So anong gusto niya? Kuyugin kami ng mga fans niya? Iiwan ko siya mag isa pag ganon. I sighed. Napakamot pa siya ng ulo niya. Pero para naman siyang napa-isip tapos biglang tumakbo papuntang kotse niya. May kinuha siya don. Don't tell me seryoso siya sa pagsama sakin? Nang makita ko yung inilabas niya ay napa-face palm ako. Seryoso nga siya. It's a white mask, a hood and a shades. My frown deepened. Winagayway pa niya sakin yon bago tumakbo ulit palapit.

It Started with a Sex: EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon