EIGHTEEN: She's cool

777 15 0
                                    

Shexter 18: Guys.... inlove na ata ako.

S U H O' S  P O V

Nakatulala at nakanganga lang kami ngayon habang naka tingin kila Luhan. Napasinghap ako nung suntukin siya ni Kris. Dahil don ay nahinto si Luhan at parang natauhan. "Kawawa na kasi pre!" Sigaw pa ni Kris. Napa-kamot ako sa ulo ko. Nakita kopa ang pag iling ni Xiumin sa gilid ko. Luhan hissed. Ibinalibag niya yung baril na hawak niya dun sa lalaki at tska inis na naupo sa sofa. Napatingin ako sa paligid, puro dugo at nakahandusay parin yung tatlong walang malay na lalaki. Nung may marealized ako ay agad akong napatingin kay Yaxle. Nagulat ako dahil nakatingin rin pala siya samin.. agad akong napa-iwas ng tingin. Ewan kolang sa iba..


"A-ah Y-y-yaxle.... n-nakalimutan mo a-atang h-hindi parin naka s-sara yung damit mo.." Pautal utal na sabi Kyungsoo. Nung mapatingin ako sa reaction niya ay halos manlaki ang mga mata niya at agad na napa-talikod samin. Ibinaba niya muna yung dalawang baril na hawak niya bago ibutones yung damit niya. Nung mapatingin ako sa mga kasama ko ay nakatanga parin sila sa ginagawa ni Yaxle. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyari kanina, akala ko ay nananaginip lang ako pero parang hindi naman..


Napasunod ako ng tingin kay Xiumin na kaaalis lang. Naupo siya sa sofang katapat ng inuupuan ni Luhan, at napahilot sa sentido. Mukang pati siya ay sumasakit ang ulo dahil sa nangyari. Napatingin ulit ako kay Yaxle. Nang matapos siya ay agad niya kaming hinarap.

"Ano? Tutunganga nalang kayo diyan? Tumawag kayo ng pulis!" Sa gulat namin ay agad kaming nagsi-alisan sa pwesto at kumuha ng kanya kanyang cellphone. Sa sobrang lamig ng boses niya ay parang hindi kami pedeng hindi sumunod sa kanya.


"HELLO MANAGER HYUNG? Huhu pumunta ka dito ngayon na!" -Tao.


"Opo Opo! Tatlo po silang nasa sahig!" -D.O.


"Anong appointment? EMERGENTHY TO EMERGENTHY!" -Sehun.


"Hinostage po kami!" -Kai.


"Nagkabarilan nga sabi e! HINDI AKO NANTRITRIP!" -Chen.


"SABING EXO AKO! EXO!" -Baek.


"Hello po— Opo. I tetext ko na yung address!" -Lay.



Halos lahat sila ay may kausap sa kanya kanyang cellphone. Dinako dumagdag pa. Frustrated akong naupo katabi ni Luhan. Napahilot rin ako sa sentido ko. Bilang leader ng EXO, sobrang hirap rin para sakin na makitang nalagay sila panganib ng dahil rin sakin. "Ayos kalang hyung?" Tumango lang ako kay Kai. Naupo siya sa tabi ko at parang pagod na pagod na napasandal sa sofa. Pero may naalala na naman ako, si Yaxle. Napatingin ako sa direksyon niya at nakita ko siyang nakasandal lang sa pader habang naka cross arms. Seryoso lang siyang naka tingin samin. Sobrang nagulat talaga ako kanina. Hindi ko akalaing bigla siyang susulpot ng ganon at lalabanan yung mga lalaki. Kakaibang Yaxle ang bumungad samin kanina, hanggang ngayon. She's not even smiling! Siguradong hindi rin sila makapaniwala.

It Started with a Sex: EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon