TEN: Fourth floor

736 19 1
                                    

Shexter 10: Ayoko nga. Bat hindi ka lumapit?


Y A X L E' S  P O V

Hinila lang niya ko hanggang maka-akyat kami sa fourth floor. Naglalakad palang kami sa hallway pero rinig kona ang malakas na tawanan nila. We're just silently walking dahil may ini-scroll siya sa cellphone niya hanggang sa pumasok kami sa isang pintuan. And there. I saw them, lahat sila nandito at nagtatawanan. But they suddenly stopped when they saw me. I mean— we. Biglang tumahimik at unti-unting bumaba ang mga tingin nila sa... Oh shit!


"Luhan, hoy.." Mahinang bulong ko sa katabi kong tutok parin sa cellphone niya. Napatingin naman siya sakin. Manhid ba ang isang to? Gusto ko siyang batukan dahil don. I pointed out his hands by my gaze. Agad naman niyang nakuha yon at napabitaw sa kamay ko. At talagang napa-kamot pa siya ng ulo niya huh? Kalbuhin ko kaya to?


Nang bumalik ang tingin ko sa kanila ay nakatanga parin sila. Mabuti nalang at umentra si Chanyeol. He faked a cough. "A-ahem! uh guys. Ayan na pala si Yaxle! Magsimula na tayo?" Hindi ba masiyado ng late para sabihing nandito nako? I just sighed. Dahil sa sinabi niya ay nagsi-ubuhan din ang iba at nasi-tanguan. I gritted my teeth. Si Luhan kase e.



"Yaxle umupo ka dito!" Napatingin ako kay Kyungsoo. I smiled at him as I sat on the couch he pointed. Hindi ko alam kung bakit pa nila ko tinawag dito. Pangalawang beses ko palang pumunta dito sa fourth floor. Nung una ay nung nag linis ako ng mga kalat nila at yung pangalawa, ay ngayon. And by the way, this floor is divided into three parts. The dance studio, singing studio, and the gym. Sobrang lalaki non. We're currently here sa dance studio. Tanging mga speaker, couches at mga bags lang nila ang nandito. Malawak ang space at salamin ang pader. Kumbaga kitang kita mo talaga yung moves mo kapag sumasayaw.


"A-anong gagawin ko dito oppa?" Tanong ko sa pinaka malapit sakin na si Lay. Iziniper niya muna yung bag niya bago mapatingin sakin. He smiled at me, showing his two deep dimples.


"Sabi nila, panoorin mo daw yung bagong sayaw namin." He replied. Napatango tango naman ako. So they want to show me their dance? Baka mabagot lang ako dito.


"Okay guys ready na!" -Baekhyun.


"Myoon Yu-ri manuod ka wa!" Nagulat pako nung mabanggit ni Kai yung totoong pangalan ko, referring to 'Yu-ri' and not to 'Myoon'. Wow huh. Natandaan pa niya yon? Agad akong tumango sa kanya.



"Yaxle papakitaan kita ng pamatay na moves!" Okay fine Chanyeol, do that. "Tenga mo palang pamatay na eh." Bigla akong natawa sa sinabi ni Kris. Binatukan naman siya si Chanyeol dahil don. Napa-iling naman ang iba sa kanila. Diko alam na mapang-asar rin pala si Kris, akala ko si Chen lang. Pero teka, speaking of Chen. Antahimik niya huh. Siya yata yung nag reready ng music.



"Thakin ka tumingin kung gusto mo makakita ng thwag!" Nakangiting nag thumbs up naman ako kay Sehun kahit na hindi ko naintindihan yung huling sinabi niya. Thwag? Th means s, so, swag? Bulol talaga tong batang to.

It Started with a Sex: EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon