"Where's the second game?" tanong ko sa kanila.

We were divided into three groups for the second game. Sina Dorothy at Ichiro ang kagrupo ko. Sina Alpha, Java, at Echo ang isang group. Panghuli sina Gunner, Flame at Babe. Bakit pinagsama ang tatlong 'yon?

The room looks normal. Ano gagawin namin dito?

Nasaan kaya ang iba?
  

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o JAVA
  
   
"Paano ba tayo napunta dito?"

Alpha is still sleeping. Hindi namin siya magising. Si Echo naman ay kanina pa napapaisip. Pilit niya inaalala kung paano kami napunta dito.

"We were celebrating Gunner's birthday, remember?" sagot ko.

It was an awesome night. Kaarawan ni Gunner kaya niyaya niya lahat ng Lancaster student sa Andromeda after ng klase namin. Madaming sumama. Pati kaming Decagon ay kumpleto. Hanggang sa nagising kaming nandito na bigla sa Dollhouse. Are we drugged? Huling naaalala ko kasi ay nainom kaming mga girls sa iisang table.

"Paano nila tayo nalabas sa Andromeda? Sampu tayo. Wala man lang nakakita sa'tin?"

"Madaming nalasing noong gabing 'yon. Baka akala nila nalasing lang din tayo." sagot ko. Posible 'yon. Naaalala kong madaming tulog sa Andromeda. Teka. Posible kayang pinatulog lahat at kaming sampu lang ang kinuha?

Biglang gumalaw si Alpha.

"Hey, Alpha. Gising ka na ba?"

Tumango siya at bumangon.

"Nasaan tayo?" aniya.

"Living room, bro." sagot ni Echo. "Tayong tatlo nalang magkakasama. Wala na ang anim."

"Tsk. They seperated us all again." inis na sabi ni Alpha.

Naagaw ng atensyon ko ang necklace ni Alpha. Pati si Echo ay nakatingin doon. He wants to check what's inside the locket too. Mukhang marami kaming nakapansin na nagbago mood ni Alpha pagkatapos niyang makita ang nasa loob ng locket. Muntik ko na silipin kanina habang tulog si Alpha kaso malakas ang kutob ko na magigising siya kung gagawin ko 'yon.

Paano namin makikita ang nasa loob ng locket?

"What's in the room?" tanong niya kaya naputol ang plano ko.

"E-Everything's normal. Typical living room. Medyo mas sosyal lang at pang mansion ang dating. Blue walls. Carpeted floor. Madaming sofa. May malaking screen sa gitna. Tapos may picture ulit tayong... sampu."

Claude....

Umiinit ang dugo ko. Binaboy nila litrato niya. Nakakainis. Hindi ko matanggap. We almost voted but we stopped ourselves hoping we could still save this messed up group. Hindi ako papayag na mawawalan ng saysay pagkawala mo.

"Guys, what's your polaroid?" biglang tanong ni Echo sa'min. "I'm really confused. Wala akong mamukhaan sa mga polaroid. Akin ata ang pang sampu."

Napabaling ang mukha ni Alpha kay Echo.

"Wala kang namumukhaan na polaroid?" tanong ni Alpha. "Kahit isa?"

Umiling si Echo na tila inaalala ang sampung litrato. "Wala. Wala talaga akong maintindihan sa polaroid maliban sa polaroid ni Babe. Hindi ko maintindihan kung paano niyo naimamatch ang inyo. Pati si Hera may namumukhaan ang kanya. Ako lang talaga wala."

"Ano ang kay Hera?" tanong tuloy bigla ni Alpha.

Echo knows Hera.

Good. I need details. Hindi ko rin maimatch lahat ng sampu.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now