Chapter 21: Paggala sa Assassin World

87 4 0
                                    

Nag gala-gala muna kami dito at namasyal. Napakaganda naman talaga ng lugar na ito. Andaming magagandang bilihan.

"Ang ganda dito noh?" Sabi ni Russel habang hawak hawak nito kamay ko at ito ang palatandaan na ako'y sa kaniya na.

"Oo nga eh. My dream Place." Sagot ko. At tumingin ito sa akin.

"Mas Maganda ka padin kesa sa lugar na ito." Sambit niya na ikinamula ng aking pisngi. Kinikilig ako Mygashh.

"uhmm maiwan muna namin kayo." Sabi ni Jude saka hinatak si Christian.

"Ngayon, tayo munang dalawa." Sabi ni Russel at nginitian ko ito.

Pumasok kami sa Isang Restaurant ng Assassin World at nagpasya kami ni Russel na dito kumain.

Kakaiba ang pagkain nila dito!! Kakaiba ang Saya kapag kinakain itong Masarap na pagkain. Ngayon lang ako nakatikim neto.

Nagulat akong punasan ni Russel ang labi ko gamit ang kaniyang kamay. Napatulala naman ako sa kaniya habang nakatitig.

"Dumi mo kumain." Sabi nito.

"Russel! Dahil Jowa na kita... pwede ba wala tayong sikretong tinatago."

"Oo naman." Kinuha ko ang larawan sa bulsa ko. Ung nakita ko sa isang Cabinet noon nung nasa Kweba palang kami nakatira.

Nakita ko sa mata niya ang pagkagulat.

"Sino siya?" Tanong ko.

"saan mo nakuha yan?" Tanong nito.

"Sagutin moko!" Galit kong Tanong dahil ayaw niya kong sagutin. Para nanaman nasisiraan siya ng baet.

"Mama ko yan." Sagot niya.

"Mama mo to? Sino tong lalaki? Bakit ito punit?"

"Hindi ko alam. Nung namatay si mama ayan lang ung naiwan niya saken."

"Pasensya na."

"Ok lang. Ikaw ba? San ka galing palasyo."

"Seremonyanisia" pagsisinungaling ko. Sorry Russel ngunit hindi ko pa kayang sabihin na isa akong Malensia.

"Saan yon? Kakaibang pangalan."

"Uhmmm malayong lugar."

Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga lang kami saglit at saka naglibot libot na. tumakbo ako ng may makita akong Fountain.

"Wow! Magwish tayo!" Sabi ko at kumuha ako ng barya.

Sana Makasama ko ng habang buhay si Russel.

Ibinato ko ang barya pataas at nahulog ito sa Fountain.

"Kukunin ko nalang pera na nandiyan."

"Huwag! Loko ka talaga Russel. Kapag kinuha mo yan d matutupad wish nila."

"Eh ano naman? Wish naman nila yon."

"Masamang gawain yon eh!".

"Ahh ganon? Sorry" inirapan ko ito. KAINES

I'm Inlove with my EnemyWhere stories live. Discover now