Chapter 34: Pagkulong

91 3 0
                                    

Kresha Point of View:


"Bitawan niyo ko!" Sigaw ko. Sigaw lamang ako ng Sigaw ng makarating kami dito sa Kahariaan namin.

"Nahanap niyo din ang aking Anak! Mabuti naman!!" Sigaw ng aking Ina sa mga Kawal.

"Paalisin niyo nako dito! Hayaan niyo nako! Masaya nako." Pakiusap ko sa aking ina.

"Masaya? Masaya kana? Bakit ha? Dahil ba kasama mo ang anak ng tatay mo sa kabit niya!?"

"Ngayon alam ko na, na siya ang Hari! Siya ang dapat mamuno! Siya ang tunay na anak at hindi akoo. Gusto akong patayin ni Ama kaya naman pinatay mo siya dahil don at dahil nadin walang makaagaw sa trono! Tama ba ko ina? Dibaaa?" Sigaw ko.

"Oo! Tama ka! Ginawa ko yon para protektahan ka! Pinatay ko ang Ama mo, ayy hindi mo pala siya Ama! Iniligtas kita dahil ikaw ang mamumuno dito, ngunit ikaw din pala ang kakalaban saken!"

"Kakalabanin kita hangga't nabubuhay ako! Sana pinapatay mo nalang ako kay Ama, kesa naman makita ko yang kasamaan mo mas mabuti ng mamatay nalang!" Sinampal ako ng napakalakas ng aking Ina.

"Lapastangan!" Hinawakan nito ang baba ko upang ipaharap sakaniya. "You love your Stephbrother huh? Magdudusa siya sa kamay ko! Remember that!" Pananakot niya.

"hindi mo yon magagawa! Babawiin niya ang trono na nararapat sakaniya!" Sigaw ko ay hinila ng aking Ina ang buhok ko at nilapit ako sa bintana.

"Ayannn! Huling kita mo nayan sa pinakamamahal mong lalaki!" Sigaw neto. Nakita ko si Russel na nakikipaglaban.

Hindi ko maiwasan ang hindi maiyak dahil sa nakikita ko.

"Please Stop! Wag mo siya idadamay" pakiusap ko at tinawanan lamang ako ng aking ina.

"Dalhin niyo yan sa kulungan at huwag na huwag niyong papalabasin!" Utos ng aking ina sa mga kawal at agad akong dinala ng mga ito sa kulungan na ako lang ang magisa.

"PAKAWALAN NIYO KO!" sigaw ko.

I'm Inlove with my EnemyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant