Chapter 29: Paglayo

90 3 0
                                    

"Ru..." hindi ko natuloy dahil tumalikod na ito sa akin at nagumpisang Maglakad.

Nagsimula na din akong Umiyak.

"Patawad Masha. Kailangan kong sumama kay Russel. Babalik ka na ata sa palasyo niyo eh! Saka walang kasama si Russel. Paalam hanggang sa Muli nating pagkikita. Mahal ka non. Nasabi lang niya yon dahil nabigla siya." Sabi ni Jude at saka sumunod kay Russel.

Patawad Russel kung naglihim ako sayo, hindi ko ginustong Saktan at Pagsinungalingan ka. Mahal kita! Totoo yon. Totoong totoo, pero tingen mo saken Kaaway sapagkat ang Ama ko ang pumatay sa Iyong Ina.

Alam kong hinding hindi mo na ako mapapatawad dahil sa Ginawa kong yon. Hinding hindi kita kakalimutan kahit pa kalimutan mo ako Aking Mahal. Mananatili ka dito sa Puso ko.

Niyakap ako ni Nanay Aime.

"Ok lang yan Aking Anak. Part yan ng Buhay Ang Masaktan."

"Ayoko na po Nanay Aime. Bakit ba to ginagawa sa aken?"

"Pagsubok lang yan Anak. Kaya moyan. Malalagpasan mo yang pagsubok."

"Pano kung hindi?''

"Gawin mo! Wag mong sabihing Hindi! Kaya mo! Hindi ung susuko ka nalang basta basta."

"Bakit ba kasi ako Prinsesa! Sana hindi nalang ako naging prinsesa."

"May dahilan ang mga nangyayari sa buhay mo. May dahilan kung bakit ka naging Prinsesa."

"Nanay Aime. Bakit po ginawa ng Mama ko kay Papa yon?."

I'm Inlove with my EnemyWhere stories live. Discover now