Chapter 15: Paghahanap ng Lunas

95 5 0
                                    

PATAY NA WALA NA ANG TAGAPAGLIGTAS KO.

Humagulgol lang ako sa iyak.

"Kailangan natin hanapin ang lunas upang mawala ang kamandag nito. Hindi pa ito kumakalat." Sabi ni Christian.

"Hanapan niyo na ngayon na!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Tinignan ko ang pulso ni Russel at buhay pa ito.

Tumakbo na si Christian at Jude upang maghanap ng dahong gamot para sa kamandag ng Karimaw.

Mabubuhay kapa russel. Tiwala lang tayo na mabubuhay ka.

Gabi na ngunit hindi parin sila bumabalik. Maya't maya ko tinitignan ang pulso ni Russel at buhay pa ito ngunit mahina na ang pulso ng aking tagapagligtas.

Nakabalik na silang dalawa at andami nilang dalang dahon.

"Isa isa na nating ilagay sa sugat." Utos ni Christian at nilagay nila ang dala nilang dahon sa Dibdib ni Russel.

Nagpahinga muna kami ngunit binantayan ko si Russel buong magdamag dahil ayokong mapahamak siya.

Tinitignan ko ang Pulso nito palagi dahil baka mawalan na ito ng buhay. Hindi ko yon kakayanin. Mahal ko na siya! Totoo yon Mahal ko na si Russel.

"Mahal gumising kana! Hindi ko kayang nakikita kang nahihirapan." Sabi ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig.

Nagbabakasali akong magigising siya.

Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan at nagising nalang ako ng maaga na.

"Russel!" Sigaw ko ng mawala si Russel sa tabi ko.

"Ok kalang?" Tanong ng lalaki na nasa Likuran ko. Si Russel.

Agad ko itong pinuntahan at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Aray!" Sabi niya na ikinagulat ko.

"Patawad! Wag mo na uulitin yon! Alam mo may ibibigay ako sayo!" Sabi ko kay Russel at hinubad ko ang Gintong Tae.

Isinuot ko ito sa kaniya.

"Sayo ito." Sabi ni Russel ngunit umiling ako.

"Ikaw ang mahalagang sumuot niyan dahil ikaw ang tagapagligtas ko." Paliwanag ko sa kaniya.

"Salamat Masha." Pagpapasalamat ni Russel.

"Huwag muna tayong maglakbay ngayon sapagkat hindi kapa Ok." Sabi ko sa kaniya at tumugon siya.

Umupo siya sa tapat ng puno at ipinikit ang kaniyang mata. Tinabihan ko ito at ipinikit ko din ang mata ko.

"Salamat Russel sa lahat." Sabi ko sa kaniya. Salamat Mahal ko.

"Basta para sayo Mahal." Sabi nito na ikinagulat ko dahilan upang imulat ko ang aking mata.

"Ano?" Paguulit ko kay Russel.

Tama ba narinig ko Mahal?

"Sabi ko walang anuman Masha" sagot ni Russel ngunit nakapikit padin ang mata nito.

Mali pala pagkarinig ko. Masha pala hindi Mahal.

Hayst. Asa nanaman ang Kresha!

I'm Inlove with my EnemyWhere stories live. Discover now