Chapter 18: Pagpaparaya

90 4 0
                                    

"Ru-se-ll" nauutal kong tawag sa kaniya. Narinig niya lahat? Lahat ng pinagusapan namin?

Agad kong inalis ang kamay ko na hawa ni Christian.

"Nakakaabala ba ako? Sorry! Sige Congrats nalang!" Tumalikod na ito sa amin at Nasimulang maglakad. Balak ko pa sana ito habulin ngunit naisip ko na Huwag nalang.

Yes! First crush ko si Christian ngunit matagal na yon! Dati payon... pero ngayon hindi na siya ang tinitibok ng aking Puso.

Iba na ang tinitibok ng puso ko! At si Russel yon ang aking Prince Charming, ang aking Tagapagligtas, ang aking tagapasaya.

Siya! Siya ung totoong Mahal ko! Mahal ko si Russel. Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko? Nasasaktan ako dahil sa nangyari.

Hindi ko na maiwasang Lumuha dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Hindi ako makatingin kay Christian dahil sa sobrang kahihiyan.

Ano nang gagawin ko? Tatakbo? Aalis? Hindi na magpaparamdam?. Anoooo? Hindi ko na alam!

"Masha." Mahinang tawag sa akin ni Christian dahilan upang matignan ko ito.

Sorry Christian.. alam kong Mahal moko pero si Russel ang Mahal ko.

Naaawa ako sayo Christian! Pero mas naaawa ako kay Russel.

"Go." Maikling sagot nito at ngumiti.

Nagulat ako sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya?

"Ano?" Tanong ko.

"Habulin mo na ang tunay mong minamahal." Nakangiti lang ito at alam kong nasasaktan din siya.

"Salamat Christian." Niyakap ko ito ng mahigpit.

"Kung anong nagpapasaya sayo don ako kahit na ikalulungkot ko pa. Papalayain na kita. Piliin mo ang magpapasaya sayo kahit hindi ako iyon." Paliwanag ni Christian at naramdaman kong may tumutulo ng luha sa kaniyang Mga mata.

"Christian I like you too... as a friend." Nginitian ko ito at ngumiti din ito sa akin kahit alam kong pilit lamang.

Patawad Christian! Patawad kung hindi parehas ang nararamdaman ko sayo ng nararamdaman mo sa akin.

Tumakbo nako upang habulin si Russel.

"Russel!" Sigaw ko upang tawagin si Russel. Asan naman kaya ung lalaking yon?

Nakita ko siya nakaupo malapit sa Ilog. Tumabi ako sa kaniya at tinitigan ko ito.

"Bakit ganon? Lahat ginawa ko pero hindi padin ako kayang mahalin ng taong Mahal ko?" Tanong ni Russel nang hindi tumitingin sa akin. Sa ilog lamang ito nakatingin.

"Hindi mo kailangan gawin ang lahat para mahalin ka.. hayaan mong mahalin ka nila kung ano ikaw." Sagot ko sa kaniya.

"Swerte ni Christian! Matagal ko nang alam na may gusto sayo yun! Sabi ko layuan ka para hindi lumalim pagtingin niya sayo." Paliwanag ni Russel.

"Ganon?" Tanong ko.

"Pero tignan mo? Mas lumalim pagtingin niya sayo pati ikaw lumalim nadin pagtingin mo sa kaniya. Dapat hindi nalang natin yon sinama eh."

"Huwag mong sabihin yan hindi mo pa alam nangyari."

"Nakita ko kayo magkayakap! Masha! Please layuan mona ako. Dapat sa sarili ko yon sinabi hindi kay Christian. Ako yung talo eh!"

"Hindi ka talo."

"Lagi nalang ako ung talo! Kapag saming dalawa ni Christian ako nalang lagi! Wala nakong naipagmalaki! Bweset na buhay to."

Hindi ko na mapigilan ang lumuha sapagkat gulong gulo na ako.

Napatingin na sa akin si Russel nang makita akong umiiyak at niyakap ako nito.


I'm Inlove with my EnemyWhere stories live. Discover now