Chapter 6: Paglalakbay sa Mafedonia

142 7 0
                                    

"Hindi mo pa ako tunay na kilala." Sabi ko kay Russel habang nagaayos kami ng Gamit upang maglakbay papuntang Mafedonia.


Mafedonia: Isang Bayan sa Syudad ng Caramonia na madaming Bilihan.

Caramonia: Kaharian na pinaghaharian ng Reyna nitong si Celestina at Hari nitong si Galdum


"Sino kaba talaga?" Tanong ni Russel.


"Gusto mo malaman ung totoo?"


"Syempre kasi makakasama na kita habang buhay."


"Hindi ako si Masha! Un lang ung sinabi kong pangalan upang hindi moko makilala."


"D ko maintindihan Masha."



"Ako si Kresha! Isa akong Prinsesa sa kaharian ng Malensia. Pakiusap huwag mong sasabihin kahit na kanino ayokong matagpuan pa ako ng aking ina."


"maaasahan mo ako Kresha!"


"Salamat Russel."


Naglakbay na kami sa Mafedonia at nakarating na kami dito. Andaming mga Taong Nagbebenta at namimili sa bayang ito.


"Gusto ko bumili!" Sabi ko kay Russel ngunit tinignan lang ako nito ng masama.


Kinuha ko ang perang dinala ko nung umalis ako. Napakadaming pera pa ito.


"Kinuha ko ito sa kaharian namin kaya pwede kong bilhin gusto ko!" Sabi ko kay Russel at tumingin tingin nako ng bibilhin.


Bumili ako ng Damit ko at binilhan ko narin si Russel tutal dalawa lang naman ang damit ng lalaking yon!


"Napakatagal mong babaeng ka!" Galit na sabi ni Russel.


Bumili na kami ng mga Pagkain na kakainin namin sa Ilang Araw.


Nasa likod lang ako ni Russel ng makita ko si Christian. Pumunta ako kay Christian.


"Christian!"  Tawag ko sa kaniya


"Ikaw pala binibini. Asan na ung kasama mo?"


"Ako si Ke... Masha!"


"Kay gandang pangalan at anong ginagawa mo dito?"


"Aalis nako baka magkita pa kayo ni Russel. Paalam Christian hanggang sa muli" Sabu ko at bumalik nako sa likod ni Russel.


"Tagal naman!" Sabi ko kaya tinignan ako ng masama ni Russel.


Naglakbay na kami paalis sa Mafedonia.


Mamimiss ko ang Mafedonia. Saan naman kaya kami pupunta.


"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Russel.


"Sa luma kong tirahan." Nakarating kami sa isang Puno at may Hagdan ito. Umakyat na kami dito gamit ang Puno.


Tree House pala ang lumang bahay ni Russel. Mas maayos na ito kesa sa Kwebang napakadaming lamok.


"Dito na tayo titira!" Sabi niya sa akin.


Nagayos kami ng gamit dito at naglinis nadin dahil sa daming alikabok.


Gabi na at Umakyat muna ako sa Bubong ng bahay upang makita ang mga bituin.


Sinundan ako ni Russel at tinabihan.


"Ang ganda noh?" Tanong ko kay Russel.


"Ang ganda nga." Sabi niti ngunit nakatingin ito sa akin.


"Nga pala may ibibigay ako sayo." Sabi niya at may nilabas siyang Kuwintas na may palawit na pabilog. KaKulay nito ang Kalangitan sa Gabi.


"Saan mo ito nakuha?"


"Binili ko ito sa Mafedonia habang kausap mo si Christian." Nakita niya pala.. sinuot niya sa akin ang kwintas.


"Salamat Russel! Kundi dahil sayo siguro wala na ako dito." Niyakap ko ito upang magpasalamat.


"Gusto kita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.


"Gusto din kita." Sagot ko.


Naramdaman ko ang paglapit ng aming mga labi hanggang sa Magkahalikan na kami ngayong gabi.


Gusto kita! Gustong gusto Russel!

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon