Chapter 4: Paghaharap

177 8 0
                                    

Nang imulat ko ang aking mga mata ay Wala nakong kasama o katabi sa Kama. Asan naman kaya si Russel? Iniwan na kaya niya ako magisa dito?


Sanay naman akong iniiwan.


Eww.. ang drama ko! Hindi ko naman siya Kilala. Naglibot libot ako dito sa tirahan niya na baka madami akong makuhang bagay dito na magagamit ko.


May isang baul akong nakita at binuksan ko ito. Nagulat ako ng may Larawan. Si Russel at isang babae at may lalaki pang nasa gilid ngunit punit ang Mukha nito.


Sino naman kaya ito? Hmm.. baka pamilya niya. Asan naman kaya sila ngayon.


May narinig akong naglalakad papunta dito kaya agad kong itinago ang Larawan at inilagay ko ito sa bulsa ko.


"Russel!" Pagbati ko sa kaniya. May dala itong Mga Pagkain.


"Gising kana pala. Kumain muna tayo." Sabi niya sabay Lapag ng mga pagkain sa Lamesa.



Kumain ako ng madami upang hindi ako magutom mamaya.


"Wala akong tirahan kaya ako'y sasama na sa iyo." Sabi ko na ikinagulat ni Russel


"Ano? Pero..."


"Walang pero pero! Period." Inirapan ko ito.


"Tss fine. Asan ba pamilya mo?"


"Patay na ang aking Ama.. pinatay siya ng aking Ina"


"Huh paano.."


"Mahabang Storya.. nga pala may sikreto akong sasabihin."


"Ano yon?"


"Uhmm.. ang gwapo mo." Sagot ko at Lumabas ako ng kweba. Iniwan ko siya sa loob.


Nakakahiya naman kasi ung sinabi ko!! Anoba bat koba nasabi yon? Kasi naman muntik ko nang masabi ung sekreto ko.


Kapag kilalang kilala ko na siya saka ko lang sasabihin. Sa ngayon hindi muna.


Nagulat ako ng may Humawak sa aking bibig mula sa likuran. Agad ko itong sinipa upang maitanggal niya ang kamay niya sa aking Bibig.


"Magaling ka makipaglaban." Kumindat pa ito sa akin. Isang lalaking parang Prinsipe dahil sa kaniyang Suot at itsura.


"Wala kang pake!" Sinubukan ko itong Suntukin ngunit nakuha niya ang aking kamay at agad na hinatak ako nito papunta sa kaniya.


Napakalapit ng mukha ko sa Mukha niya, na para bang unting galaw ko lang ay Magtatapat ang mga labi naming dalawa.


May Sumipa sa kaniya mula sa Likuran at agad akong umilag upang hindi magtapat ang mga labi namin.


Napaharap ito at ang sumipa sa kaniya ay si Russel.


"Russel! Kahit kailan talaga panira ka ng plano ko!" Saad ng lalaki.


"Christian, Lubayan mo siya kung ayaw mo ng gulo." Galit na galit na Sabi ni Russel.


"Paano kung ayaw ko?" Nakikipaghamunan na sabi ni Christian.


"Uuwi kang Patay!" Kinuha ni Russel ang kaniyang Spada ganun din si Christian.


Sumugod si Russel kay Christian ngunit nakailag ito kaya hindi niya nasugatan. Natamaan sa kaliwang braso si Russel ng Sandata ni Christian.


"Mahina ka parin Russel." Pang aasar ni Christian.


Para akong nanonood lamang ng penikula dahil sa pagkagulat ay natulala na lamang ako dito sa Gilid.


"Ikaw ang Mahina." Naglaban na ang dalawa at lumalakas si Russel dahil sa Sobrang Galit niya.


Natamaan naman ni Christian sa Mukha. Tumawa lamang ito na parang baliw.


"Namatay lang ang iyong Ina naging Superhero kana! Ano ka Assassin?" Sabi ni Christian kay Russel.


Base sa mga naririnig ko at kilalang kilala na ni Christian si Russel.


Agad namang tumakbo si Christian papunta sa akin at ginapos niya ako gamit ang kaniyang kamay.


Nasa likod ko siya at may nakatutok na sandata sa akin.


"Huwag mo siyang sasaktan!" Sigaw ni Russel.


"Hindi ko siya sasaktan!" Sagot ni Christian at hinalikan ako nito.


Sobra akong nagulat sa ginawa niya. Hinalikan niya ako.


Facebook: Kazzandra Mendoza


I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon