Chapter 11: Pagkuha sa Gintong Tae

108 7 0
                                    

Susugod nadin sana ako sa Dragon ngunit natamaan ako nito gamit ang kaniyang buntot kaya't nahagis ako sa Gilid na Puno ng mga Makikinang na Ginto.

"Ano ito?" Tanong ko at nagulat nang malamang ginto ito. Isa lamang ito ngunit napakakinang. Hindi ito pangkaraniwan! Tae ito. Tae ng Dragon.

"Kunin mo iyan Masha at Umalis kana!" Sigaw ni Russel. Sinunod ko ito kinuha ko ang taeng ito at isinilid ko ito sa bulsa ko ngunit hindi ako umalis.

Kung mamamatay sila! Sasama ako! Sabay sabay kaming mamamatay.

Sinaksak ko ang buntot ng Dragon.

"Huwag niyo siyang papatayin!" Sigaw ni Christian.

Tumalon sa itaas si Russel at ibinagsak sa dragon ang chandelier at ang Tali ng chandelier ay iniikot nito sa Dragon hanggang sa maitali ito.

Babagdak ang Drago at ito ay babagsak sa akin. Nanlaki nalamang ang Mata ko ng pabagsak ito sa akin.

Hinatak ako ni Russel kaya't napahiga kami parehas. Nasa itaas ko siya.

"Anuba! Tingin tingin kalang diyan!" Sigaw nito at bakas dito ang pagaalala.

Nakalabas na kaming lahat sa Pugad ng Dragon.

"Diba sabi ko dito kalang!" Pagpapagalit sa akin ni Russel.

"Kung hindi ako dumating edi sana patay na kayo!" Sagot ko.

"Anong pinagsasabi mo? E kung mapahamak ka hindi ka nakikinig sakin!" Sigaw nito.

"Mali ang ginawa mo Masha! Kung hindi kita nakita baka napahamak ka na." Mahinhin na Sabi ni Christian.

"Salamat Christian" tinignan ako ng masama ni Russel sa sinabi ko.

"Sa susunod huwag kanang sasama sa amin." Sabi ni Russel na kinainisan ko.

"Bakit ang galing mo makipaglaban?" Pagtataka ni Jude. Nagulat nalang si Russel at sinuway ito.

"Ano bang pinagsasabi mo? Tara na nga. Akin na ang Gintong Tae!" Sabi ni Russel at iniabot ko ang Tae.

Gagamitin niya ito sa kaniyang Kwintas. Ikinabit niya ang tae sa kwintas niya.

Ang taeng ito ay nagtataglay ng Napakalakas na kapangyarihan. Maaari ka nitong iligtas sa kapahamakan kung may magtangka sayo ay hindi ka niya mapapatay kapag suot mo ito.

Gagawin kadin nitong malakas makipaglaban. Gagana lang ito kapag nakalagay ito sa isang kwintas ngunit kapag hawak mo lang ay hindi ito tatalab.

"Oh!" Iniabot sa akin ni Russel ang Gintong Tae.

"Saken ito?" Tanong ko at kinuha niya ulit at saka Ikinabit sa aking leeg.

"Masyado kang pasaway eh kaya ikaw ang magsuot niyan" sabi ni Russel.

"Dapat ikaw kasi ikaw ang laging pumoprotekta sa akin!" Sabi ko naman at ngumiti ito sa akin.

"Kaya ko sarili ko." Niyakap ko ito ng mahigpit.

"Salamat Russel!" Sabi ko.

I'm Inlove with my EnemyWhere stories live. Discover now