Chapter 26

587 6 1
                                    


...

"Umalis ka diyan!" Sigaw ng isang tao sa may kalayuan. Nakasuot ito ng damit at baluti na may kadugtong na hood. Dala-dala nito'y maraming armas at isang mahabang machete na kapansin-pansin sa kanyang suot.

Hindi ko maaninag ang mukha nito marahil sa hood at buhok na nakatabon sa mukha nito. Ngunit base sa katawan nito'y isa itong lalaki. May pagka-pamilyar ang kanyang boses sa akin, tila ba'y kilala ko na siya noon pa man.

Gaya ng kanyang utos ay mabilis akong umalis sa aking kinatatayuan at kasabay noon ay ang pag-hampas ng isa sa mga galamay ng halimaw. Muntik na'ko roon!

Matulin siyang nagtungo sa kinaroroonan ng halimaw. Kakaibang liksi at lakas ang kanyang taglay. Kapansin-pansin din ang kilos niya na hindi katulad ng sa tao at masasabi kong halos mag-kapantay kaming dalawa.

At sa bawat hampas ng galamay ng halimaw ay siya ring pag-hiwa niya sa mga nito pabalik. Kakaibang impact ang nararamdaman ko sa tuwing nagsa-salubong ang dalawang magka-ibang atake.

Kapansin-pansin rin ang kakaibang dugo na nangga-galing sa halimaw, tila ba'y isa itong asido na kung saan man ito tumama'y malulusaw ang mga ito.

At sa tingin ko'y alam niya rin ito sapagkat iniiwasan niya na may tumama sa kanyang asido. "Sino ka ba talaga?" Untag ko sa aking sarili.

Halos dalawang oras din siyang nakipag-sagupaan sa dambuhalang halimaw. Matapos niyang kalabanin ito'y nag-balak siya'y lumisan ngunit nag-pumulit ako na siya'y manatili.

Nakatalikod lamang siya sa akin, "Sino ka ba? Bakit ayaw mong humarap sa akin?" Tanong ko rito. Narinig ko ang isang malalim na buntong hininga bago siya tuluyang humarap sa akin.

"Ikaw?!" Nang makita ko kung sino ang lalaking iyon ay hindi ako nag-dalawang isip na tutukan siya ng patalim. Hindi ako maka-papayag na malinlang na naman niya ako sa mabuti niyang pakiki-tungo sa akin.

"Hindi Frost, hayaan mo akong magpaliwa--

"Para saan pa Zero o dapat ba'y tawagin kita sa tunay mong pangalan?—Hidalgo." Gigil at sobrang galit kong sambit dito. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa lahat ng taong pinag-katiwalaan ko'y siya pa ang kayang manloko sa akin.

"Hindi ako ang sinasabi mong Hidalgo at hindi ko alam kung bakit ka nag-kakaganyan." Napapintig ang tainga ko sa kanyang sinasabi. Hindi alam? Hindi ba't siya pa nga ang nagpa-tulog at nag-dala sa akin dito sa lugar na ito?

At anong gusto niyang isipin ko? Na wala na siyang maalala sa mga kahayupang ginawa niya at pagkatapos ay kakalimutan ko na lang ang katotohanan na siya ang nag-pasimuno ng lahat ng ito?

"Hindi mo alam Zero?! O baka naman isa na naman ito sa mga laro mo? At gusto mo na isipin kong may amnesia ka at mag-padala na naman ako sa mga salita mo. Hindi mo na ako maloloko uli Zero! Hindi na!" Sigaw kong sambit sabay talikod sa kanya at nagsimulang maglakad.

Halos wala pang hakbang ang aking nagagawa ng bigla na lamang sumabit ang aking paa sa isa sa mga patibong at napatiwarik ako ngayon sa itaas ng puno. Napaka-tanga ko talaga!

Hindi ko magawang alisin ang lubid sa aking dalawang paa sapagkat nasa bag ko pa ang lahat ng mga maari kong magamit sa pag-putol nito. Napatingin naman ako kay Zer-Hidalgo, natatawa siya at talaga namang kina-init ng ulo ko iyon.

"Nahuli niya ako, nakakainis!" Ang tanging naisambit ko sa aking sarili. Kahit anong pilit kong alisin at putulin ang lubit ay tila kasing tibay ito ng bakal na hindi matitinag sa kung ano man ang gawin.

Umakyat siya sa puno at tinanggal ang tali roon. Mahina akong bumagsak sa lupa ngunit naka-pulupot parin ang tali sa aking mga paa. Lumapit siya sa akin at ako'y unti-unting nakadama ng takot.

"Siguro naman ay makikinig ka na sa akin, wala ka namang magagawa e, hindi kita kakalagan kapag hindi ka pa nakinig." Nakangising sambit ng lalaking nasa harapan ko.

Nakatitig lamang ako sa kanya, hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang pagka-tiwalaan. "Noong araw na makuha nila ako sa laboratoryo, nagulat ako sa aking nakita. May isang lalaki na halos kamukha ko na at pati ang boses katulad din ng akin."
Nanatili paring tikom ang aking bibig.

"Tinatawag nila ang lalaking iyon na Senior Hidalgo, akala ko noong una ay namamalikmata lamang ako ngunit hindi. At kahit na wala ako sa tamang katinuan sa panahong iyon marahil sa mga bagay na itinuturok nila sa akin ay malinaw kong naririnig ang kanilang pinag-uusapan." Pagsasalaysay nito. Nag-simula nang pumasok ang kung ano-anong ideya sa aking isipan.

"Narinig ko na may balak silang kuhain mula sa ating dalawa at magagawa lamang nila iyon kung papaltan niya ako bilang Zero. Hindi ko alam kung paano nila nagawang kopyahin ang aking itsura ngunit sa palagay ko'y matagal na nila iyong pinag-planuhan." Dagdag pa nito.

Dahan-dahang umangat ang aking mga balahibo sa katawan sa nalaman. Unti-unti rin akong nakadama ng takot sa hindi malamang dahilan at ang lamig ng simoy ng hangin na siyang. Pakiramdam ko'y mayroong bagay pa akong matutuklasan.

...

To be continued...

Project X : ExtinctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon