Chapter 7

805 16 1
                                    

Guys rank #97 na po tayo! Salamat sa supportang ibinibigay ninyo sa aking istorya.

Zero's POV

...

"Mukhang wala nga kayong intensyon na kunin ang aming teritoryo. Ipagpaumanhin ninyo ang aming kahangalan at hinusgahan namin agad kayo. Maari na kayong makatawid at mag----

Hindi na niya naituloy ang kanyang sinasabi ng magkaroon ng isang malakas na pagsabog. Nakarinig kami ng mga halimaw sa ibaba kaya nagkatingin ang lahat.

Agad nila kaming kinalagan at nagtungo sa mga armas, kumuha kami ng kahit na anong armas na maaring makatulong sa amin.

Bigla na lamang sumabog ang pintuan na siyang ikinagulat namin. Maraming halimaw ang nagpakita at handa kaming kainin sa kahit na anong oras.

Takot at pangamba ang dapat naming maramdaman sa panahong iyon ngunit tila ba'y muling nabuhay ang aming dugo sa katawan at ginanahan pa lalo kami.

"What the fuck?!" Rinig kong bulong ng aking katabi. Napalingon ako rito at nakita kong si Lucilline pala ang nagsalita.

Ang iba sa mga kasama nito ay nanginginig na sa takot, ang iba naman ay sobrang putla na. Napadako naman ang mga mata kay Frost at napansin kong ginaganahan rin siya sa kanyang nakikita.

Balak ko sanang magsalita ng bigla na lamang umatake ang nga halimaw, agad naming silang pinaputukan ngunit hindi ito sapat upang matalo namin sila, masyado silang marami para sa amin.

"Tumakbo na kayo! Kami na ang bahala sa mga ito! Bilis!" Sabi ng isang lalaki sa amin. Napatignin ako sa mga kasamahan ko at mabilis kaming tumakbo patungo sa hagdanan.

"Sandali antayin ninyo ako!" Napalingon muli ako at humahabol sa amin si Lucilline. Sandali akong bumaba sa hagdanan at sinabayan siyang umakyat.

Kahit na naririnig namin ang mga hiyawan ng mga kasama niyang namamatay ay hindi na namin ito pinapansin, bagkus ay mas lalo naming binilisan sa pagakyat dahil baka kami'y abutan pa nila.

Matapos naming umakyat sa hagdanan ay tumakbo kami pupunta sa dulo nang gusali. Medyo malayo ang kabilang gusali kaya baka masugatan kami ng husto.

"Kakayanin ba natin yan? Baka ikamatay natin kung tatalunin natin ang ganyan kalayong gusali." Kinakabahang sabi ko, sa palagay ko kasi hindi talaga namin kakayanin ang ganyan kalayong tatalunan baka mahulog lang kami at mamatay.

Napalingon kami sa aming likuran at nakalabas na nga ang mga mababangis na halimaw. Wala na talaga kaming puwedeng puntahan dahil kung sa kabila naman kami tatakbo ay mas lalo nila kaming maaabot at mapapatay.

"Wala na tayong oras at ito na lamang ang natitira nating paraan. Kung hindi pa tayo tatalon ay malamang mapapatay na nila tayo. Tara na!" Sigaw ni Frost sa amin at inihanda ang aming mga sarili. Bumilang ako ng tatlo at pagkatapos ay isa-isa kaming tumalon.

Nagawa naming makatalon sa kabilang gusali ngunit unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo at unti-unti ring pumikit ang aking mga mata.

At ang lahat ay naging madilim....

....

3rd Person's POV

Sa kabutihang palad ay nakatalon silang lahat sa kabilang gusali ngunit lahat sila ay nahilo at nahimatay. Sa sobrang lakas ng kanilang pagbagsak ay nagkaroon sila ng maraming galos at mga medyo may kalakihang sugat.

Ang kanilang mga gamit at armas ay tumalsik kung saan-saan. Ang mga halimaw naman ay nangahas rin na talunin ang gusali ngunit lahat sila ay nabigo at bumagsak sa lupa.

Sa kabilang dako naman ay may isang grupo ng mga tao ang naglalakbay sa lugar kung saan naroroon sila Frost. Nakita rin nila ang isang malaking grupo ng mga halimaw ngunit sinagasaan lamang nila ito, tumalsik ang mga lamang loob ng mga ito at ang dugo ay tumutulo kung saan-saan.

Pinaputukan rin nila ito upang masiguradong mapatay nila ang lahat ng halimaw na nakaharang sa kanilang dinadaanan. Maririnig mo ang mga ungol ng mga nasasaktan at namamatay na mga halimaw.

May iba naman na nagkakapira-piraso dahil sa pagkakasagasa nila rito. Tumatawa lamang sila habang pinapanoon ang pagsagasa sa mga ito, tila ba hindi sila natatakot sa mga ito at sanay na sanay na silang lumaban dito.

Napahinto sila sa pagtawa ng may biglang lumitaw na isang higanteng halimaw. Lumabas sila sa sasakyan at nilabanan ito.

Nakakatakot ang itsura nito, isa lamang ang mata nito ngunit napakalaki, mga ngipin na napaka-talas at punong-puno ng dugo. Ang balat nito ay tila ba inilublob sa kumukulong asido, at mga kamay at paa na may matatalas na kuko.

Habang pinapuputukan nila nito ay tumatakbo rin sila palayo rito sapagkat sila'y hinahabol rin nito. Napakabilis nitong tumakbo ngunit mabilis rin nilang naiiwasan ang dalawang kamay nito.

Sa hindi kalayuan ay may isa sa kasama nila na may dalang bazooka, pinaulanan niya ito ng mga missile at sumasabog ito sa iba't ibang parte ng katawan nito.

Sa bawat pagsabog ng parte nito ay maraming kulay berdeng dugo ang lumalabas dito. Ang lahat ng natatapunan nito ay nalulusaw o kaya naman ay nasusunog.

At makalipas ang ilang oras ay natalo narin nila ito, sumabog ang buong katawan nito at nalusaw ang ibang bahagi ng mga gusali. At lahat sila ay umiiwas sa mga dugong tumatalsik.

Pawis na pawis silang bumalik sa kanilang sasakyan, sa kasamaang palad ay isa ito sa mga nalusaw kaya ang ginawa na lamang nila ay kinuha nila ang mga gamit doon na hindi nadamay sa pagkalusaw nito.

Dahil sa labis na pagkapagod ay naisipan nilang pumasok sa isa sa mga gusali na nakapalibot sa kanila, doon sila pansamantalang maninirahan habang wala pa silang naiisip na plano kung paano sila makakabalik sa tunay nilang tahanan.

Isang malakas na pagsabog ang nanggaling sa kabilang gusali kaya silang lahat ay napalingon at bahala dito, halos mawasak ang gusaling iyon at silang lahat ay nagtataka kung bakit nagkaroon ng pagsabog doon.

Ngunit dahil sila ay napagod sa ilang oras na pakikipaglaban sa higanteng halimaw ay napagisipan nilang matulog muna at mamaya na lamang nila sisilipin kung ano ang mayroon sa kabilang gusali.

Naglakad sila patungo sa mga kuwarto at naghiwalay ang babae sa lalaki.

Silang lahat ay balak ng matulog ng makarinig uli sila ng pagsabog at ngayon ay napakalapit na ng tunog nito.

Napalabas sila sa kanilang mga kuwarto at sumilip, nagulat sila sa kanilang nasaksihan.

Isang malaking ahas ang gumawa ng malakas na pagsabog upang makapasok sa gumaling kinatatayuan nila ngayon...

...

To be continued...

Project X : ExtinctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon