Chapter 19

434 6 1
                                    


...

Nang mawalan ng malay si Zero ay tinggal nito ang posas sa kamay nito at hinila siya ng lalaki palabas ng kwarto. "San mo siya dadalhin! Ibalik mo siya dito!" Sigaw ni Frost dito.

Halos mawalan na siya ng boses kakasigaw at nagbabasakaling ibalik ang kanyang kaibugan ngunit walang nakakarinig sa kanya.

Sa labas naman ng kwartong iyon ay dinala ang kaibigan niya sa isang laboratoryo, hinubaran ito ng damit at inihiga sa isang puting kama.

Nilagyan ito ng iba't ibang uri ng tube sa katawan at isang pampatulog upang hindi magising at isang mask kung saan ginagamit upang makahinga sa tubig. Katabi nito ang isang lamesa na kung saan ay may mga computer, doon makikita ang kalagayan ng lalaki.

Makikita roon ang mga kemikal na nasa katawan ng lalaki. Dumating ang ibang tao na nakaputi at may mask sa mukha. Ang kaninang kama ay naging isang malaking kwadradong salamin.

Tila ba'y nakakulong ito sa isang box na salamin at unti-unti itong napupuno ng kakaibang tubig. Dahan-dahang lumutang si Zero sa patuloy niyang pag-angat ay nanginignig rin ang kanyang katawan.

At biglang may pumasok na babaeng naka itim. "Sir nandiyan na po si Mr. Kasuzeki." At kasabay nito ang isang lalaking itim at suot at mas nakakatakot ang mukha.

"Nandiyan na pala siya hindi ninyo man lang sinabi sa akin?!" Galit na sambit nito.

...

Flashback...

Itinakas ng isang hindi kilalang lalaki ang dalawang bata. Ang dalawang batang ito ang nagtataglay ng isang virus na nagbibigay ng kakaibang lakas, liksi, mabilis na paghilom ng mga sugat at matalas na pandama.

"Huwag ninyong hahayaan na makalayo si Enrico! Hindi niya maaring itakas ang dalawang batang iyon! " Sigaw ng lalaki, at batay sa pananalita nito'y ito ang boss nilang lahat.

Mabilis na nagtungo ang mga sundalo sa labas ng kanilang kuta. Hindi lamang mga armadong sundalo ang kasama nila, jet, helicopter at mga tangke ang nakasunod sa kanila.

Ngunit sadyang mabilis rin kumilos at magmaneho si Enrico kaya naman hindi nila magawang mahabol ang lalaking nagtakas sa alas sa kanilang tagumpay.

"Hindi ko hahayaang gamitin niyo ang mga batang ito para sa madudumi niyong plano." Sabi ni Enrico sa kanyang isip.

Nakasakay siya sa isang napaka-bilis na kotse, at nasa likuran naman ang dalawang bata. Mabilis na mabilis ang pintig ng kanyang puso, para bang nakikipag-karera siya sa maraming kabayo sa bilis nito.

Wala pa ang mga nakakatakot na halimaw ng mangyari iyon, ngunit ang lugar naman na iyon ay puno ng puno at ang kalsadang kanyang dinaraanan ay lubak-lubak.

Malayo sa sibilisasyon at teknolohiya ang lugar na iyon kaya naman mahaba-habang byahe ang kanilang tatahakin palabas sa lugar na iyon.

Hindi niya alam kung ano ang maaring mangyari sa kanila, may bahay siya sa maynila ngunit alam niyang hahanapin rin siya doon ng mga dati niyang kasamahan sa laboratoryo.

Gayunpaman ay nagdesisyon siyang magtungo sa kaniyang bahay at mabilis niyang kinuha ang mga mahahalagang papeles at mga armas.

Pagbalik niya sa kotse ay naririnig na niya ang malakas na tunog ng tangke at mga jet. Mabilis na kumakabog ang kanyang puso, agad siyang pumasok sa kotse at nagmaneho ng mabilis.

Isang lugar na lamang ang kanyang naiisip na maari niyang pagtaguan malayo sa mga ito. Ngunit ang hindi niya napansin ay ang pagkagising ng dalawang bata.

"Sino po kayo?" Tanong ng batang babae. Napalingon naman siya dito at doon lamang niya nalaman na nagising na pala ang mga ito.

"Ako si Enrico, sa ngayon ay kailangan muna nating makaalis sa lugar na ito at sa susunod ko na lamang ikwekwento ang mga nangyari." Ang nasabi na lamang niya sa dalawa.

Sa kanilang paglalakbay ay naguusap lamang ang dalawang bata at nagtatawanan. Ngunit lingid sa kaalaman nilang dalawa ay nasa bingit sila ng kapahamakan at kamatayan.

"Ako nga pala si Hazelline, ikaw anong pangalan mo?" Tanong ng batang babae sa batang lalaki.

"Ang pangalan ko naman Ellias, alam mo ba kasama ko lang si mama noon pero bigla na lang may kumuha sa akin." Namutla naman ang lalaking nagmamaneho sa narinig.

"Parehas pala tayo! Pero ako si papa naman ang kasama ko at si kuya." Sagot naman ng batang babae. Matagal na nagusap ang dalawa sa kung anu-anong bagay, mga pagkain,  laruan at mga hilig nila sa paglaki.

"Shit nawalan pa ako ng preno." Inis na sabi ni Enrico sa sarili. At napasigaw na lamang ang dalawang data ng makita nilang mahuhulog na sila sa isang bangin.

...

To be continued...

Project X : ExtinctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon