Chapter 12 part 3

6.7K 86 5
                                    

Masyadong maikli yung chapter 12 eh kaya eto. may part 3.

*******

CHAPTER TWELVE

Part 3

Tumakbo ako at hinanap ko siya kung saan-saan pero WALA! Hindi ko na talaga siya makita.

UGHH!! F*ck! Nasan ka ba??!

Teka. Lalong di ko siya makikita kung iinit agad ang ulo ko. Kailangan kong huminahon.

Iisipin ko muna kung ano yung mga pwedeng puntahan ng mga kagaya niya.

Pumunta na ako sa mga stores na pwede niyang puntahan pero wala pa rin.

Teka. May nakalimutan ako!

ICE CREAM STAND!

TAMA!

Baka bumibili lang yun ng ice cream.

Tumakbo ulit ako at hinanap kung san yung pinakamalapit na bilihan ng ice cream at pumunta ako dun. Wala na akong pake kung meron man akong natatamaan sa bilis ng pagtakbo ko. Nawawala kaya si Cheska! Syempre. Kailangang hanapin. Nawawala eh.

Sus! Yun ba talaga ang dahilan?

Oo. Yun lang..

ata..

Teka teka teka. Kinakausap ko na pala sarili ko. Amp! Nababaliw na ba ko?? Kasalanan to ni Cheska! Patay sakin yung babaeng yun pag nakita ko siya!!

Hinanap ko muna siya sa paligid bago ako lumipat ng ibang destination.

Teka. Si Cheska ba yun??

"CHESKA!!"

kinapitan ko yung braso nung babae. Pagkaharap niya.

"bakit Fafa?!"

"Uhh.. Pasensya na po. Akala ko kayo yung kasama ko eh.."

Hindi pala siya babae. Bading pala yun? Akalain mo nga naman! Akala ko si Cheska na eh. ARRRGGH!!

Tumingin ako sa kanan ko. Baka si Cheska na yun! Nilapitan ko yung babae pero hindi pa rin yun si Cheska.

CHESKA! Where art thou??? (lol)

Nababaliw na ko! Tingin ko lahat ng tao dito sa mall eh si Cheska na!

Cheska! Kung pinagtataguan mo ko pwes itigil mo na yan! Ikaw na ang panalo!

Kung gumaganti ka kasi nagselos ka kanina samin ni Liz! Sige. Di ko na siya kakausapin!

Hoy! Cheska! San ka na! Dito na me! (LOL!)

Baka naman nandun siya sa place na pinaghiwalayan namin kanina. Baka bumalik siya dun!

Tama! Babalik ako dun!

Cheska! Sana naman makita na kita!

......

Vote. Comment and Fan! :))

Sleepless Nights Season 1 and Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon