"Sleepless Nights"

by

sleeplessguy09

started:091010

***

First time ko pong gumawa ng story dito sa Wattpad. Im not a writer pero sana magustuhan niyo parin tong story ko. =)

***

characters in this chap : 

-sky (lead character) 

-tristan or ethan (bestfriend ni sky) 

-mama (mom ni sky) 

-eunice (girlfriend ni sky dati)

other character/s: 

yaya.

//Sky's Pov

"Arrrgghh! Darn it! I can't sleep!"

Binato ko yung unan ko. Hindi ko alam kung saan tumama. It's already 3am at hindi parin ako makatulog. Lagi nalang. Lagi ko nalang naaalala ang mga pangyayaring yun. Ilang beses ko nang pinilit ang sarili ko na kalimutan yun pero hindi ko magawa. Hindi ko siya magawang makalimutan.

I touched my eyes.

F*cking sh*t! Im crying again. Stupid eyes. Bakit ba lagi na lang tumutulo ang luha ko sa tuwing naaalala siya? Hindi ko mapiligan ang mga mata ko sa pagluha. Leche namang buhay to oh. Kinuha ko yung picture frame sa tabi ng kama. Nakita ko ang sarili ko kasama ang isang babae. Napakasaya naming tingnan. Wala akong pinoproblema nung mga panahong yun. Hanggang sa nangyari na nga ang aksidenteng yun.

Arrggh!!

*BAAAAMM*(binato yung frame)

"SKY!anak.anong nangyayari jan?"

"Umalis na kayo!"

Tumayo ako sa aking pagkakahiga sa kama. Pinuntahan ko kung san napunta yung frame. Nabasag na. Tiningnan ko yung litrato. Aaargghh! Bakit ba hindi kita magawang kalimutan. Nagiging miserable na ang buhay ko ng dahil sa'yo. Napansin ko na marami ang nagkalat na bubog sa sahig. Kinuha ko yung piraso nung basag na salamin. Ito nalang ang tanging paraan,diba?. Ito ba ang gusto mong mangyari?ha? Ang magkasama na tayo? Ito ba ang dahilan kaya hindi ako makatulog gabi-gabi? Ito ba ang gusto mo? O sige. Gagawin ko. Tutal wala din namang silbi ang buhay ko dahil wala ka na. Iniwan mo na ako.

"SKY! Anak! Buksan mo to! Ano bang ginagawa mo dyan?..Yaya.. Yung susi ng pinto dali!" -mom

" Pabayaan niyo na ako! Iniwan na niya ko. Hindi ko na kaya. Gabi gabi nalang. Hindi ako makatulog. Lagi ko siyang naaalala. Lagi kong naaalala yung pangyayaring yun. Arrrggh!!" 

"Anak..sandali lang. Yaya! Ano ba bilisan mo!"

"Opo mam. Eto na po" -yaya

I raised my right wrist. Dahan dahan kong nilapit yung piraso ng nabasag na salamin. Ito nalang ang natitirang paraan. Magkakasama na tayo Eunice. Konti nalang. Hindi na ako mahihirapan pa. Magkakasama na rin tayo sa wakas.

Tumutulo na yung dugo ko. Tumutulo kasabay ng mga luha sa aking mata. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay unti-unting nawawala. Dapat matagal ko na tong ginawa. Hindi na sana ako naghirap. Hindi na sana ako nagkaganito. Ngayon, matatapos na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Eunice. Magkakasama na tayo.

"SKY!! Anak!! Ayos ka lan-AAAHHH!!!"-mama

Nagulat siya sa kanyang nakita. Unti unting naluluha ang kanyang mga mata.

"YAYA!! Tumawag ka ng ambulansya! Dali!"

"Opo mam!"

Lumapit sakin si Mama para yakapin ako. Pumalag ako sa yakap niya ngunit ayaw niya paring bumitaw.

"Anak..anong nangyari sa'yo? Anlaki na ng pinagbago mo. Hindi ka naman ganito dati. Tama na. Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Hindi yan solusyon sa mga problema mo. Bata ka pa para mamatay..."

" Layuan niyo ako. Hayaan niyo na po ako. Hindi ko na talaga kaya."

"Anak. Please. Ayokong mawala ka sakin. Ikaw nalang ang natitira kong pamilya. Iniwan na tayo ng tatay mo. Pati ba naman ikaw eh mawawala pa sakin. Hindi ko kakayanin anak."

"Ma..Hindi ko siya makalimutan. Lagi ko siyang naaalala. Bakit niya ko iniwan ha??bakit ma?bakit?."

Unti-unti ng lumalabo ang paningin ko. Eto na. Dito na magtatapos ang lahat. Magiging masaya na ako. Kasama siya .kasama si Eunice..

"ANAK!!SKY!SKY! Gising!!"

"Mam. Nandyan na po yung ambulansya."

"Bilisan niyo. Dalin na natin siya sa ospital!.. "*tumingin kay sky*"Sky, anak.Ano bang nangyari sayo. Bakit ka nagkaganito. Sky, wag mo kong iwan..anak."

....

Napakatahimik. Wala ni isang ingay akong naririnig. Patay na nga ata ako. Minulat ko ang aking mata. Arrgghh! Nakakasilaw. Pinikit ko ulit atsaka minulat. Teka.. Nasan ako? Hindi pala ako natuluyan! Arrgghh! Pati ba naman sa pagpapakamatay palpak ako!!

Bigla namang bumukas yung pinto.

"Tristan.."

"Oh. Sky. Gising ka na pala. Teka. Tatawagin ko lang yung doctor. Saglit lang.."

"Ahh. Wag na. Hindi na kailangan. Okay lang ako. "

" Okay ka lang naman pala eh."

Lumapit sakin si Tristan..

0_0

BAAAAMMM!!

Halos tumalsik na yung ulo ko sa lakas ng suntok niya. Ang sakit! Kita na ngang nasa ospital yung tao manununtok pa.

"Gago ka ba ha? Ano sa tingin mo ang ginawa mo? Talagang gusto mo na bang mamatay? Ha? Hindi mo man lang naisip yung Mama mo! Hindi ka na naawa sa kanya!"

BAAAAM!

Sinuntok niya uli ako.

" Nahihirapan na ko Tristan. Yun lang ang naisip ko na paraan."

Tumulo na naman ang luha mula saking mga mata. Darn it! Ayan na naman yung mga mata ko. Hindi ko na naman mapigilan.

What do you think??:DD

Sleepless Nights Season 1 and Season 2Basahin ang storyang ito ng LIBRE!