EPILOGUE

175 16 8
                                    

(A/N : Maraming maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa sa kwento nina Ziu at Sunny. Sana ay may natutunan kayo kahit papaano sa kwento nilang dalawa. Lagi ninyong tandaan ang sinasabi ni Sunny,huwag ninyong problemahin ang problema, hayaan ninyong ang problema ang mamroblema sa inyo. Smile lan lagi. Muli, maraming salamat. )


🌻
EPILOGUE:

Memories are sweet. Its priceless.

And sometimes we cant let go of that  memories because they the are constant reminders of a great story that we never expected to end and its very hard to forget someone who gave you so much memories to remember.

I couldnt even realize how five years has passed since I lost her. It seems like it was just a few days ago. Her death has reminded me that in this world nothing is permanent, we all have to go when God wishes. But there is nothing more painful than to live without your loved one. I cant explain how much im suffering since her death. This was the hardest year of my life.

Everyone says that time heals everything but even after five years still I cant stop my tears. My heart is filled with sadness. I don’t know how I will move on from this phase. Araw-araw akong umiiyak. Magdamag akong nakatulala sa kawalan habang inaalala ang mga pinagsamahan naming dalawa. Nanghihinayang lang kasi ako sa lahat. Pero siguro, its time for me to move forward. I know ito rin ang gustong mangyari ni Sunny. Ayaw niyang nakikita akong malungkot, kaya naman pilit ko na lamang inaalala ang mga ngiti niya at kahit papaano ay napapangiti ako kapag naalala iyun. Masakit man pero kaylangan kong tuparin ang pinangako ko kay Sunny na magiging masaya ako kahit hindi ko na siya kasama.

“Sir, eto po ang official report ng mga students na nag-enroll dito sa school,” sabi ni teacher Mica sa email na pinadala niya. Almost 700 students na rin ang nag-enroll sa school simula ng gumanda ito. Ang pera kasi na nalikom na para sana sa operasyon ni Sunny ay doon ko ginastos para mapaganda pa lalo itong school na dating pinasukan ni Sunny. Kung dati ay grade one to grade six lamang ang mga classroom dito ngayon ay may high school na. Sa tulong ni Lolo ay nagpatayo na rin ako ng isang malaking building na hanggang third floor at sa gilid nito malapit sa may garden ng mismong school ay nakadrawing ang malalaking sunflower. Siguro matutuwa si Sunny kapag nakita na iyon.

Im now the assistant principal of the Putingkahoy National High School na dati ay Putingkahoy Elementary School. After kong maka-graduate ng college ay nagmasteral agad ako at ngayon ay nagdo-doctoral naman ako. Wala akong sinayang na panahon dahil gusto kong tuparin ang pangarap naming dalawa ni Sunny. Pagkatapos kong i-download ang file na sinend sa akin ay bumaba na ako bitbit ang mga bag ko at ang isang paper bag.

Mainit na naman ang paligid dahil papalapit na ang summer at napagsyahan kong bumalik na ulit ng probinsya bago magumpisa ang pasukan.

“Sasama ka sa outing ng bachtmate mo?” tanong ni mama ng makababa ako ng hagdan. Inilapag ko ang isang travel bag at maliit na paper bag.

“Hindi ‘ma, uuwi na lang ako sa probinsya,” tugon ko.

“Bakit naman? Look, Ziu , anak , enjoy yourself ok, deserve mo naman sumaya kahit saglit.” kita ko ang awa sa mga mata niya. Umiwas na ako ng tingin at saka inayos ang sintas ng sapatos ko.

“Ma, Im happy ok. Im fine. It’s been five years and I can say that Im totally fine.” I smiled weakily.

“Okay, just be happy ha. And tulungan mo ang Lolo Efren mo, balita ko mag-aani na sila ng gulayin ngayon. Wag kang pasaway dun.”

“Ma, hindi na ako bata para paalalahanan mo ng ganyan.” natatawa kong sabi.

“Sige na. Tumawag ka sa’kin kapag nakarating ka na sa probinsya.” tumango naman ako saka humalik sa pisngi niya.

Lumabas ako ng gate at saka pumara ng taxi. Pasado alas-otso na rin ng umaga ako nakarating sa station ng bus. Marami ng mga tao ang nag-aabang ng masasakyan. Mga taong excited na umuwi sa kani-kanilang probinsya para makapag-outing at makapag-bonding ang buo nilang pamilya.

Ganun din ako. Five years. Almost five years ko ng ginagawa ito. Tuwing bakasyon ay uuwi ako ng probinsya nila mama. Hindi lang para dalawin sina Lolo, kundi para sariwain ang mga alaala. Masasakit na alaala pero mga alaalang may kakambit na aral na siyang nakapagpabago sa pananaw ko sa buhay.

Tumingala ako at pinagmasdan ang asul na kalangitan. Tirik na tirk na ang araw kahit wala pang katanghalian. Dumating na ang isang bus na walang laman. Nagsenyas ang konduktor na sumakay na. Tiningnan ko muna ang sign board. Batangas. Buti na lang may byahe na papunta doon.

Kaagad akong nakipagunahan sa pagsampa sa bus. Inilagay ko ang bag sa may itaas habang ang paper bag naman ay nasa lap ko. Binuksan ko ang cellphone ko , napangiti ako ng makita ang wallpaper ko. Inilagay ko ang earphone sa magkabila kong tenga saka pinatugtog ang paborito niyang kanta.Paborito kong kanta. Paborito naming kanta.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at ipinikit ang mata.

Siguro nga tama ang sabi ng Magnues Haven sa kanta nilang Imahe.

Tayo ay pinagtagpo, ngunit hindi itinadhana.

Nang makarating ako sa probinsya ay nagtungo na muna ako sa bahay nina Lolo. Sumalubong sa akin si Manang Teresita na ngayon ay matanda na rin. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Lolo at si Papa na nagkukwentuhan. Oo, nagkaayos na rin naman kami ni Papa pati sila ni Lolo, kaya ngayon siya ang katulong ni Lolo sa pagpapalago nitong halamanan.

“Mano po ‘lo” bati ko kay lolo ng makalapit ako sa kanila. Yumakap naman ako kay Papa

“Napaaga yata ang dating mo ah, akala ko ba sa pasukan pa?” tanong ni Papa sa akin. “Naiinip na ako sa bahay e’ kaya umuwi na ako dito. Susunod din daw si mama dito,” tugon ko. Napatango na lamang ito at saka ako inalok na magtanghalian na muna. Tumanggi naman ako at sinabing may pupuntahan pa ako. Alam na naman nila yun dahil taon-taon ay 'yun lang ang tangi kong binibisita kapag uuwi ako ng probinsya.

Bitbit ang paper bag ay pumara na ako ng tricycle. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil magkikita na ulit kami. Pagkarating ko sa sementeryo ay nadatnan ko si Mang Pedro na nililinisan ang puntod nina Sunny at Lola Lucia. Pumanaw na rin si Lola Lucia dalawang taon na ang nakakalipas dahil sa katandaan. Kaya siguro masaya na ngayon si Sunny dahil magkasama na silang lahat sa langit.

“Salamat po sa paglilinis ng puntod nila,” sambit ko sa matanda. Ngumiti na lamang ito sa akin saka pinulot ang walis na ginamit saka lumabas. Ipinagawa ko kasi si Sunny na maliit ng bahay kung saan doon siya nakalibing.

Inilapag ko na ang paper bag na aking dala saka inilabas ang mga picture frame kung saan nakalagay ang mga graduation pictures ko at mga pictures ko nung pumunta ako ng New Zealand, Italy at South Korea. Mga lugar na gusto sana niyang puntahan. Gusto ko kasi na kahit wala na si Sunny dito nakikita niya ang mga lugar na napuntahan ko. Ipinatong ko ang mga ito sa itaas ng puntod niya kung saan nakapatong din doon ang picture niya. Hinaplos ko ang picture niya at hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa aking mata.

“Miss na kita. Sobra. Eventhough I cant touch you anymore, cant hear you, cant see you but I can feel you all the time because you are alive in my heart. My love, we’ll meet again, one day.” sambit ko saka pinunasan ang luha. Bigla namang may pumatong na paro-paro sa ibabaw ng picture niya. Kulay itim ito at ang pakpak ay may kulah dilaw. Umihip naman ang malamig na hangin na tila may yumayakap sa akin. Napapikit na lamang ako at hiniling na sana’y si Sunny iyon. Napaupo ako at sumandal sa puntod niya. Hinaplos ko ang pangalan niya na nakaukit sa gray na marmol kung saan nasisinagan ito ng sinag ng papalubog na araw.

Napapikit na muli ako saka sinariwa ang alaala naming dalawa. Some people say, I need to let go of those painful memories, but those painful memories are the only thing in this world that makes me happy. Masakit man ang mga alaalang iyon masaya pa rin ako dahil si Sunny ang kasama ko sa pagbuo nito.

When someone you love becomes a memory, that memory becomes a treasure. And I treasure every bits of our memories.

Some people come into our lives and quickly go, some stay for a while and leave footprints on our hearts but always  remember that people are only guests in our story- the same way you are only a guest in theirs- so make every chapters worth reading.

~
(A/N: Hello again haha. If you finished this story please let me know by commenting this flower for Sunny and Ziu "🌻" . Thank you ! )

Lets Meet in Summer | CompletedWhere stories live. Discover now