Cold of Summer

283 23 2
                                    

CHAPTER 1

“Ziu! Aba ay gising na. Tanghali na nakahilata ka pa rin d’yan.” bulyaw ni mama ng makapasok ito sa kwarto ko. Damn! Bakit ba hindi ko nai-lock ang pinto. Kaagad nitong binuksan ang kurtina ng bintana kaya napapikit ulit ako ng tumama sa mata ko ang sinag ng araw.

“Mamaya na, inaantok pa ako eh!” sabi ko saka nagtalukbong ulit ng kumot.

“Paanong hindi ka aantukin , eh alas-kwatro na ng umaga ka kung matulog dahil d’yan sa paglalaro mo , magaling kung may kinikita ka d’yan wala naman di’ba kundi eyebags lang ang napapala mo!” sunod-sunod na sabi nito.

Napapadyak ako dahil sa inis. Hinampas ako nito ng damit kaya napabangon ako.

“Ano ba naman ‘ma!” inis kong sabi

“Tingnan mo nga itong kwarto mo, kwarto pa ba ito? O basurahan?” galit na sabi nito.

Pinagmasdan ko ang paligid at totoo nga ang sinasabi niya. Mga balat ng sitsirya, mga damit na naisuot na, mga papel , bote ng softdrinks, at kung ano-ano pa.

“Mamaya ko na lilinisin ‘yan.” sabi ko saka bumalik sa pagkakahiga.

“Babawasan ko na talaga ang allowance mo!” napabangon naman ako bigla dahil sa sinabi niya. Ngumiti ito dahil sa naging reaksyon ko.

“Oo na po. Lilinisin ko na.” magalang na sabi ko.

“Good boy.” saka halik sa pisngi ko. She’s always like that. Bini-baby pa rin ako kahit malaki na ako. Only child daw kasi kaya mahal na mahal niya.

Actually kami na lang talaga dalawa ni mama ang magkasama ngayon. Hindi na nagpakita ang magaling kong ama simula noong mabuntis si mama. Hindi na rin ako nagtangkang hanapin siya, kung gusto niya akong makita siya ang gagawa ng paraan para hanapin kami ni mama. But sadly, in my twenty years of exsistence in this toxic world, I never see him even his shadow. He was dead for me.

“And don’t forget pupunta tayo sa probinsya bukas ha kaya mag-ayos ka ng gamit mo.” dagdag nito

“Ma, pwede ba na dito na lang ako. Ayokong sumama dun.” giit ko

“No! Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo kung ayaw mong bawasan ko ang allowance mo sa susunod na pasukan.” napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Lagi na lang allowance ko ang ipinanakot niya sa’kin. Kung hindi nga lang sana ako nag-iipon para mabili ‘yung motor na gusto ko hindi ako magpapakabait ng ganito. No choice tuloy ako ngayon. Kainis !

Pagkatapos kong maglinis ay naligo na rin ako. Isinapaw ko ang itim na jacket sa aking white shirt. Isinuot ko rin ang aking specs bago dinampot ang aking bag saka lumabas ng kwarto.

“Saan ka na naman pupunta.?” napahinto ako.

“Papa-pirmahan ko ang clearance ko.” tugon ko saka lumabas ng bahay.

Bakit ba naman kasi hindi kaagad pumirma ng clearance. Napa-tss na lang ako ng makita ang isang subject na wala pang pirma.

Mathematics.

Hindi ko alam kung tamad ba na pumirma ang teacher sa subject na’to o feeling artista kasi nagpapahabol pa sa mga estudyante niya . akala mo naman napakaganda ng pirma.

Hays !

Isinaklob ko ang hood ng jacket ko ng maramdaman ang init ng araw sa ulo ko. Saka inilagay sa magkabilang bulsa ng pants ang kamay ko.

Napakunot ako ng ulo ng mapansing pinagtitinginan ako ng mga tao.

Nawi-weirduhan siguro sa’kin dahil katanghaliang tapat naka-jacket ako.

Lets Meet in Summer | CompletedWhere stories live. Discover now