The moment I want to run away

109 11 3
                                    

CHAPTER 13


Sunny was the best thing that has ever happened to me. She is my life, my sunshine, my everything. Without her sweet smile, my life feels incomplete.

I know that I'm not much of a praying person. But if it makes even a bit of difference, I'll pray the heck out of me just for her to feel better. I loved her the most, and it hurts to see her hurting and crying out of pain. I remember the time when I feel down and alone, she came to rescue me and taught me how to smile, and not its my turn to be her knight in shining armor.

Bakit nga ba ang bilis ng oras kung kelan gustong-gusto ko pa siyang makasama. Natapos na naman ang dalawang buwan kong pagbabakasyon sa probinsya at ibig sabihin noon ay kaylangan ko ng bumalik ulit sa Maynila. Na ayoko sanang gawin sa mga panahong ito. Gusto ko pa siyang makasama. Gusto kong bantayan siya mula gabi hanggang umaga. Gusto kong masigurado na okay siya. Pero paano ko magagawa ang lahat ng iyon kung aalis ako sa tabi niya. Lalo pa't nangako ako sa kanya na hindi ako aalis sa tabi niya hanggang sa gumaling siya.

"Bumalik ka na ng Maynila, sa kabilang linggo may pasok ka na 'di ba?" sabi ni Sunny ng makalapit ito sa akin. Umupo ito sa tabi ko at ipinatong ang ulo sa balikat ko. Nandito kami ngayon sa may ilog. Gusto daw niyang malanghap ng hangin.

"Wag na lang kaya akong bumalik. Dito na lang ako sa tabi mo para mabantayan kita." sambit ko saka hinawakan ang kamay niya. Nilalaro laro ko ang kanyang mga daliri.

Bigla naman itong umalis sa pagkakasandal sa akin at tiningnan ako ng masama.

"Hindi pwede! Kaylangang bumalik ka, okay, paano ka makakatapos niyang kung hindi ka papasok?" malungkot na sabi niya. Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya sa aking sinabi.

Bumuntong hininga muna ako saka muling hinawakan ang kamay niya.

"Sige, babalik na akong Maynila. Pero pangako mo sa akin na magpapagaling ka ha. Hahanap ako ng doctor na maaring mag-opera sayo sa Maynila." nakangiting sabi ko pilit pinapagaan ang kanyang kalooban. Inayos ko ang kanyang bonnet saka hinaplos ang kanyang pisngi. "Lalaban tayong dalawa. Hindi ko hahayaan na mag-isa kang lalaban. Kasama mo ako kaya huwag kang matakot." dagdag ko

Tumango naman ito saka yumakap sa akin. Pinigilan ko ang luha na nagbabadyang pumatak sa aking mata. Hindi ko maaring ipakita kay Sunny na nasasaktan ako. Gusto kong makita niyang malakas ako para ng sa ganun ay maging malakas din siya na labanan ang sakit niya.

Katulad ng pinangako ko kay Sunny ay bumalik na ako sa Maynila. Labag man sa kalooban ko na iwanan siya ay wala na rin akong nagawa. Iniwan ko na lang sa kanya ang isa kong cellphone para ng sa gayon ay makakausap ko siya. Ayaw pa sana niyang tanggapin pero nagpumilit na lamang ako.

"Oh anak, kamusta ang byahe mo? Nagluto na ako ng pagkain , kumain ka na muna." bati ni mama ng makapasok ako sa bahay. Inilapag ko na muna ang aking mga gamit saka pabagsak na naupo sa sofa.

"Ok naman." matipid kong sagot. Pero alam kong nagtataka si mama sa akin. Lungkto na lungkot ako. Nasa Maynila na ako pero ang isip ko ay si Sunny pa rin ang laman.

"May nangyari ba sa probinsya?" malambing na tanong ni mama. Tumingin ako sa kanya na may lungkot sa mata hanggang sa hindi ko namalayang tumulo na ang mga luha ko.

"Oh, bakit? Anong problema anka?" nag-alalang tanong ni mama saka ako niyakap. Lalo ng bumuhos ang luha ko ng maramdaman ang yakap ng isang ina.

"Ma, bakit ang daya ng mundo? Bakit kung kelan natutunan ko na muling magmahal saka niya ako sasaktan ng ganito?" umiiyak kong sabi. Hindi ko na mapigilang hindi mapahagulhol. Ilang araw ko ring ginustong umiyak dahil sa sakit na nararansan ko kapag nakikitang nahihirapan si Sunny. Hindi ako makaiyak sa harap niya dahil baka lalo siyang panghinaan ng loob.

Lets Meet in Summer | CompletedWhere stories live. Discover now