You're my favorite memory

92 9 0
                                    

CHAPTER 14:

Missing someone and not being able to see them is the worst feeling ever.
Yung tipong wala kang magawa dahil malayo ka sa kanya. Hindi mo alam kung anong nangyayari sa kanya. Ang sakit lang sa pakiramdam na wala ka sa tabi niya para damayan siya sa lahat ng sakit na nararanasan niya.

Paulit-ulit nagfa-flashback sa aking isip ang mga salitang sinabi ni Manang Teresita sa akin.

Hanggang ngayon hindi pa siya gumigising.

Simula ng lumabas ako ng simbahan hanggang ngayon dito sa loob ng jeep ay patuloy pa rin ako sa pagiyak. Wala na akong pakialam sa mga pasahero na nakikita ang kalagayan ko ngayon. Gusto ko lang ilabas ang lahat ng luha ko ng sa gayon kapag nasa harapan ako ni Sunny ay makaya kong tanggapin ang lahat.

Bakit ang daya ng mundo? Bakit ang unfair ng lahat? Bakit kung kelan may lunas na para sa sakit niya saka pa nangyari ito? Bakit parang galit sa akin ang mundo at pinaparusahan ako ng ganito? Gusto ko lang naman maging masaya kasama si Sunny?

Punong-puno ng katanungan ang isip ko. Puro bakit? At hindi ko alam kung magkakaroon ng kasagutan ang lahat ng iyon.

Pagkadating ko sa bahay ay agad akong dumeretso sa kwarto ko at nagimpake ng mga damit. Pumasok naman si mama na tila nagtataka dahil nagmamadali ako.

"Ziu, anong nangyari? Bakit nagiimpake ka ng damit." tanong ni mama, "Si Sunny---nagka-seizure at hanggang ngayon hindi pa siya gumigising." tugon ko habang patuloy sa paglalagay ng mga damit sa aking bag.

"Hindi ba't may pasok ka pa bukas?"napatigil ako sa sinabi ni mama. Oo nga pala, may field study book pa akong kaylangang sagutan dahil isa-submit na rin iyon sa kabilang linggo.

Pero nagpatuloy pa rin ako sa aking ginagawa. "Ma, hindi ko kaya na manatili dito habang si Sunny ay nasa hospital at hindi pa rin gumigisng. Mamatay ako kakaisip kung ano na bang nangyayari sa kanya." nagbabadya na naman ang luha sa aking mata.

"Naiintidihan kita pero paano ang pag-aaral mo." wika ni mama saka lumapit sa akin. "Ma, sisiguraduhin ko lang kung ok si Sunny, babalik din ako sa kabilang linggo." sabi ko saka yumakap kay mama. Dinala ko na lang din ang field study book ko para kahit papano ay makapagsagot ako habang nandun. Sinabi ko na rin kay mama na kausapin muna ang mga professor ko na hindi muna ako makakapasok ng tatlong araw.

Pagkadating ko sa terminal ng bus papuntang Batangas ay sakto namang may bus na kaunti pa ang pasahero. Ilang minuto pa ay umusad na ito, ipinikit ko na muna ang aking mata dahil napagod na ito sa kakaiyak simula kahapon.

Habang byahe ay ka-text ko si Manag Teresita, pinakiusapan ko kasi siya na bisitahin paminsan-minsan si Sunny at ngayon ay nasa hospital siya. Ayon sa update niiya, hindi pa rin gumigising si Sunny, lalo akong nagalala dahil kahapon pa ito hindi gumigising. Hindi ako mapakali sa pagkakaupo ko sa bus dahil inip na inip ako sa bagal ng byahe nito. Naiisip ko na ngang agawin na lang sa driver ang manibela at ako na ang magda-drive pero baka sa halip na sa hospital ang punta ko ay sa presinto ako dumeretso.

Napabuntong hininga na lamanag saka isinandal ang aking ulo sa bintana ng bus. Bigla namang huminto ang bus kaya napamulat ako saka sumigaw ang konduktor nito.

"Nasiraan po tayo, kaya kaylangan po ninyong mag-transfer sa isang bus na paparating." sabi nito. Dahil doon ay nagreklamuhan ang ibang mga pasahero. Nagsibabaan na muna kami sa bus. Nasira pala ang isang gulong sa may likuran at kaylangan itong palitan.

Pagminamalas ka nga naman. Kung kelan nagmamadali ka saka nagkakaroon ng aberya. Sabi pa ng konduktor na baka mga limang minuto pa bago makarating ang isang bus. Bigla namang tumunog ang cellphone ko dahil may dumating na text mula kay Manang Teresita.

Lets Meet in Summer | CompletedWhere stories live. Discover now