Ice under the sun

172 15 2
                                    

CHAPTER 3

Noong mga sumunod na araw ay hindi na ako lumalabas ng bahay. Paulit-ulit lang ang mga ginagawa ko. Gigising ng mga nine o’clock sa umaga. Maliligo. Maglalaro ng games sa cellphone. Manunuod sa TV. Matutulog tuwing alas-tres. In short, napaka-boring ng nangyayari sa akin. Gusto ko ng umuwi ng Manila. Kaso, baka paglakadin ako ni mama dahil alam kong hindi iyon papayag. Mahigit isang buwan pa kami dito. At baka kapag tumagal pa ay mabaliw na ako.

Napagpasyahan ko na lumabas  na muna ng bahay dahil nasu-suffocate na ako sa loob. Naglakad lakad ako hanggang sa nakarating ako sa tabi ng ilog na tinuro nung babae sa akin. And this time, hindi na ako nagsuot ng pulang damit, mahirap na maraming baka dito baka habulin pa ulit ako. Pero bakit ba naman sa lahat ng hahabol sa akin, baka pa.

Tahimik lang ang buong paligid. Presko at sariwa ang hangin. Medyo malamig, at maririnig mo ang mga huni ng ibon. Noon ko lang napansin ang sarili ko na nag-e-enjoy sa kalikasan.

Dinukot ko ang aking cellphone sa bulsa ng shorts ko. Napapihid ako ng ulo ng makitang hanggang ngayon ay wala pa ring signal ito.

Itinaas ko ito at nagpalakad lakad para humanap ng signal ng biglang sumulpot sa harapan ko ang babaeng nakausap ko noong kabilang linggo.

“Wala talagang signal dito.” sabi nito ng makalapit sa akin. Hindi ko lang siya pinansin at patuloy sa paghahanap ng signal. Kaylangan ko talagang makahanap ng signal dahil may files akong isesend kay Lyle. Classmate ko noong third-year.

“Alam mo, may alam akong lugar kung saan malakas ang signal.” napalingon ako sa sinabi niya. Nagtagpo ang aming mga mata pero iniiwas ko lang din kaagad.

“Saan naman?” tanong ko. Bigla siyang ngumiti.

Damn ! that smile again .

“Dun oh!” tiningnan ko ang tinuturo nito. “Nakikita mo ba ‘yung mataas na puno ng niyog na ‘yun?” tumango-tango naman ako. “Umaakyat ka sa taas noon at doon malakas ang signal.” natatawang sabi nito.

Napakunot ako ng noo at nag-igting ang aking panga.

“Niloloko mo ba ako babae?” tumigil ito sa pagtawa.

“Gusto lang kitang patawanin. Ang seryoso mo kasi eh.”

Napabuga ako ng hininga saka lumakad palayo sa kanya. Sumunod naman ito sa akin.

“Alam mo try mo kayang ngumiti. Bahala ka mabilis kang tatanda.” sabi nito. Hinarap ko siya at muling tumagpo ang mata ko sa brown eyes niya.

“Alam mo try mo rin kayang itikom ‘yang bibig mo.” sabi ko saka umupo sa kahoy na nasa tabi ng ilog. Lumapit ito sa akin at umupo sa aking tabi. Ilang inches lamang ang layo namin sa isa’t-isa dahil maikli lamang ang kahoy na inuupuan namin.

“Feeling ko napak-seryoso mong tao. Ni-hindi ka man nangiti. Laging nakakunot ang noo mo.” sabi nito na siyang bumasag sa katahimikan ng paligid.

“Nakakatamad lang kasi.” tugon ko.

“Ang alin? Ang ngumiti?” tumango ako . “Yun na nga lang ang libre sa mundong ito , ikakatamad mo pa.” sabi niya.

Honestly speaking , I hate happy people. That’s why I prefer to kept my distance away from them. But Im not a total loner. I have friends in my school but instead of jamming along with them Im just okay by just wathing them laughing out loud until their stomach burst out.

Ayoko rin naman na maging killjoy sa barkada namin. So, I just watch them be happy for most of the time.

And yes, I really hate happy people. They are somewhat annoying and exhausting that make me feel like I’m being ungrateful to life by being miserable.

Lets Meet in Summer | CompletedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu