Last Summer

119 9 0
                                    

(A/N : Try to listen to Moment by Christopher while reading this last chapter. Thank you !)

CHAPTER 15:

“Mas gugustuhin ko pang mamatay na naalala ka, kesa mabuhay na hindi ka naaalala, because meeting you was my favorite memory.”

Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang sinabi ni Sunny. Lalong nanikip ang dibdib ko at pakiramdam ko’y ano mang oras ay papatak na naman ang mga luha ko. Pero hindi ko pwedeng ipakita sa kanya dahil gusto kong lumaban siya dahil kasama niya akong labanan ang sakit niya. Ngunit paano ako lalaban kung ang taong dahilan nito ay unti-unti nang sumusuko.

Lumabas muna ako ng kwarto para sumagap ng hangin dahil pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga. Umakyat ako ng rooftop at haang paakyat ako ay tumutulo ang mga luha ko dahil sa bigat ng aking nararamdaman.

Nang makarating ako sa rooftop ay nahagulhol na ako ng tuluyan. Napaluhod na lamang ako dahil tila nawawalan ako ng lakas para lumaban. Sinusubukan ko at alam kong sinusubukan din ni Sunny na lumaban. Pero paano kami mananalo sa laban na ito kung ang kapalaran ang kalaban namin.

Iniiyak ko na muna lahat ng sakit na aking nararamdaman saka ko napagpasyahang bumaba na. Habang pababa ako ng hagdan ay bigla akong may natanggap na text mula kay Dr. Hernandez.

“Kaylangan na niyang maoperahan as soon as possible. The cancer cells are fastly affecting her other cells and it could lead to her death kapag hindi natin naagapan.” sabi nito sa text na pinadala.

Naupo na muna ako sa lobby ng hospital dahil parang hindi ko pa kayang harapin si Sunny ngayon, ayokong makita niyang nanghihina ako. Gusto kong ako ang paghugutan niya ng lakas para patuloy na lumaban.

Napatingin naman ako sa matandang umupo sa tabi ko. Si Lola Lucia. Pati siya pinanghihinaan na ng loob. Gabi-gabi ay nakikita ko siyang umiiyak sa may chapel nitong hospital. Si Sunny na lamang ang kasama niya sa buhay at alam kong mas masakit ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.

“May hangganan ang buhay ng tao. Hindi natin masasabi kung kelan Niya tayo kukuhanin. At sa oras na dumating ang oras na iyon, tanggapin na lang natin dahil hindi na siya mahihirapan pa.” malungkot na sabi nito. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Nagpahid ito ng luha saka malungkot na tumingin sa akin.

“Pagpahingahin na natin siya para hindi na siya mahirapan pa.” napailing naman ako sa sinabi ni Lola Lucia.

“Hindi…hindi po pwede. Magagamot si Sunny. Gagaling siya.” wika ko. Kimuyom ko ang aking kamao at pinigilan ang luhang nagbabadya na namang pumatak. Tumayo na ako saka nagtungo sa kwarto ni Sunny. Nadatnan ko itong nakatulala sa kawalan. Pati pagdating ko ay hindi niya namalayan, tinapik ko na lamang ito saka naupo sa tabi niya.

Pinagmasdan ko lamang ang mukha niya. Napaka-amo ng mukha niya. Naalala ko pa nung una kaming nagkita. Lagi siyang nakangiti, na nung una pa nga ay kinaiinisan ko dahil s lahat ng ayaw ko ay ay yung mga taong masasaya. Pero ngayon, ang ngiti na dating kinaiinisan ko ay hinahanap-hanap ko.

“Ziu, ayokong magpaopera.” mahina nitong sabi.

“Sunny, wag ka naman magsalita ng ganyan. Di ba sabi mo lalaban ka? Paano ka gagaling n’yan kung hindi ka magpapa-opera?” nanginginig na ang boses ko dahil sa pagpipigil ko sa aking mga luha. Tiningnan lamang ako ni Sunny. Kitang-kita ko sa mga mata niya na nahihirapan na siya. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at hinalikan iyon.

“Ayaw kong makalimutan ang mga alaala nating dalawa.” nanghihinang sabi niya. Napayuko na lamang ako at saka ko naramdaman ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Lets Meet in Summer | CompletedWhere stories live. Discover now