"Kahit naman nasa Italy ako ng 2 months, palagi akong tatawag sayo para naman hindi mo ko mamiss." sabi nya.

"Kapal mo! Ang duya kung wala lang yung project na sinasabi ni Tanda sasama ako." Sabi ko.

"Asus, nagtatampo ang prinsesa ko." Sabi nya natawa ko sa sinabi nya muka kasi syang teenager.

"Ewan ko sayo." Sabi ko.

"Yaan mo na, para naman di ka magsawa sa muka ko, tsaka para kahit papano mamiss mo ko." Sabi nya sakin.

"Maduya parin, pasalubong ko ha." Sabi ko na lang.

"Next month pa yun, parang gusto mo ng umalis ako ngayon ah." Sabi naman nya sakin.

"Wala akong sinasabi."

"We're here." Sabi nya, tumingin ako sa paligid, parang puro puno pero nakakarinig ako ng hampas ng alon.

Pinagbuksan nya ko ng pintuan tsaka ako lumabas, may isang malaking puno ang tumambad sakin at tiningala ko.

"Tree house?" Tanong ko.

"Oo." Sabi nya, tumingin ako sakanya, nakangiti rin sya habang nakatingin sa puno, ngiti na natutuwa talaga.

"Nandito lahat ng memories natin." Sabi nya bago nya ko inalalayan umakyat.

Pagakyat namin, bumungad sakin ang napakaraming pictures na nakalaylay.

Kinuha ko yung isang picture na punung-puno kami ng putik sa katawan habang nakaakbay sya sakin.

"Buti maayos pa 'to." Sabi ko sakanya.

"Pinaayos ko, dati kasi nasira yung hagdanan kaya pinaayos ko at pinapalinis, dahil memories natin 'to." Sabi nya tsaka nya ko inakbayan.

"Nawala na ba yung duda mo sakin?" Tanong nya, hinampas ko sya sa braso pero tumango ako.

"Paano mo masasabi na magpapakasal kami ni Katherine kung simula pagkabata palang, tayo na ang palaging magkasama?" Tanong nya sakin.

"Ewan ko." Sagot ko, tumingin sya sakin ng masama pero tumawa lang ako.

Nilibot ko yung maliit na treehouse at tinignan ang mga pictures, ang warm sa pakiramdam.

Parang ang saya-saya nga namin dati, lahat ng hesitations ko nawala.

"Kevin?" tumingin ako sa paligid pero wala na yung lalaking yun.

Hala!

Kinuha ko yung pouch ko at bumaba, iniwan ako ng lokong yun! Paano kung mawala ako!

Wala na rin yung kotse, hala!

T__T! Iniwan na nya ko!

Naglakad ako palayo ng konti sa tree house, nakita ko yung dagat.

Parang natakot naman ako lumapit baka kasi malunod ako, pero teka!

"KEVIN?" tawag ko sa paligid.

"Kevin?" Tawag ko ulit, padilim narin kasi, ano ba 'yan!

Hinubad ko yung heels ko at binitbit, naglakad na ko sa buhanginan para hanapin sya, pero wala akong mahanap kahit na anino nya.

"KEVIN!" Sigaw ko, pero wala talaga kong makita, naiinis na ko!

Hindi ko alam 'tong lugar na 'to!

"Kevin!" Sigaw ko, naiinis na ko! Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan sya, nakailang ring muna bago nya sinagot.

"SANDERS!" Sigaw ko.

[Ayan ba ang hello mo?] Tanong nya.

"Nasaan ka?" Tanong ko.

[Sa puso mo.]

"KEVIN!"

[Yan yung sinabi mo sakin nung hinahanap kita.] Sabi nya. Haaa?

"Ano?"

[Tingin ka sa likod mo.] Sinunod ko naman yung sabi nya, pero wala akong nakita.

"Nasan ka na ba? Wala ka naman dun eh, dali na! Madilim na yung paligid." Sabi ko, Hinayupak 'to! wag magpapakita sakin 'to!

[Ahaha! Nakikita mo ba yung star sa langit.] Agad akong tumingala at nakita ko ang isang bituin na sinasabi nya.

"Oo."

[Ang ganda no.] Sabi nya.

"Kevin.." Sabi ko.

[That star will witness how I love you.] Pagsabi nya nun pinatay na nya.

"Kevin!" Tinignan ko yung cellphone ko, wala na! Call ended na!

Tinawagan ko pero cannot be reached na!

Ano bang pakana ng siraulong yun?! Uggggh!

May narinig ako na strumming ng gitara. Paglingon ko, nakita ko sya sa tree house at kumakaway sakin.

Biglang nagliwanag ang paligid, nagulat ako dahil may mga torch pala dun. Napalibutan ako ng torch, bumaba sya at hinawakan ang kamay ko.

"Can I have this dance Princess?" tanong nya, kumapit na lang ako sakanya, slow dance ang ginawa namin, hanggang sa niyakap nya ko habang nagsasayaw kami.

"I love you Kyou." Sabi nya.

"I know." Sagot ko.

"I really really love you, don't leave me again." Pagmamakaawa nya tsaka nya hinigpitan ang pagkakayakap nya sakin.

"Hindi ko aakalain na ganito pala kita kamahal na tinatago ko noon." Sabi pa nya.

"Kevin.."

"Ngayon ko lang narealize na ganito kita kamahal na ayokong-ayokong mawala ka ulit sakin." Sabi nya.

Hindi ko alam kung bakit nya sinasabi sakin yun pero natutuwa ako at pakiramdam ko ang saya-saya ko.

Mahal na mahal ko ang lalaking nakayakap sakin ngayon.

"Kevin.."

"Promise me Kyou, you will never leave me." Sabi nya.

Natawa ko sa sinasabi nya pero yumakap ako ng mahigpit sakanya.

"I promise. I will never ever leave you." Sabi ko.

We shared a sweet and passionate kiss under the moonlight, I love him so much, Even if I can't remember anything, My heart's telling me that I love him, I really do love Kevin Max Sanders.

**

That's the day when she promised me, Nangako si Kyou na hindi nya ko iiwan. Nangako sya na palagi syang nasa tabi ko, Nangako sya na palagi lang syang nandyan..


But I guess..


"The promises were really made to be broken."



**




Shadow In My Heart [Book 2 of WCIB]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora