Chapter Five

2.3K 108 1
                                    

She is staring blankly at the sun which is about to rise in the sky. It was an instant reminder for her that today was just another day to make up for her past mistakes. A new day, a new beginning.

Hindi na siya nakatulog at nagpalipas na lamang siya ng oras sa isa sa mga matataas na puno roon. Ayaw na niyang bumalik ng tulog dahil mas napapagod lamang siya dahil sa kanyang mga panaginip.

Naisip na niyang bumalik sa hotel bago pa may makakita sa kanya at isipin na nasisiraan siya ng ulo dahil sa ginawang pag-akyat sa puno. Nakayapak pa man din siya at isang pares ng pajama ang suot niya.

Bitbit ang kanyang katana ay patakbong tinungo niya ang bintana ng kanilang kwarto. Mabuti na lang at nasa ikalawang palapag lang iyon kung kaya't mababa lang ang kanyang aakyatin.

Pagpasok niya sa loob ay nagulat siya dahil naabutan niyang nakaupo sa kama niya si Larson na mukhang buong magdamag ding hindi natulog.

Did he just waited up for me the entire night?

Tanong niya sa kanyang isipan. Habang tinitingnan ang binata.

"Where have you been huh? I thought you're not coming back anymore?!" Anito na medyo iritado ang boses. "You dashed out of the window with just your PJs on and you're also barefooted when it was so damn cold out there. Have you lost your mind? Papaano kung may masamang tao kang nakasalubong? Hindi mo ba inisip ang kaligtasan mo?"

Sunod-sunod ang mga tanong nito na halatang hindi nagustuhan ang ginawa niyang pag-takas. Gayunpaman ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit kailangan nitong magalit.

"I can protect myself." Sagot niya at iniwas na ang tingin rito.

Didirecho na sana siya sa banyo nang harangin siya nito.

"I don't care if you know how to protect yourself. But you shouldn't have runaway like that!" Medyo malakas na ang boses nito. Pagkatapos ay bumaba ang tingin nito sa kanyang mga paa. "Look what you've done to yourself!"

Agad siya nitong nilapitan at lumuhod sa kanyang harapan. Tila naestatwa naman siya dahil sa ginawa nito. Nagpatianod na lang siya nang hilahin siya nito at iupo sa kama.

Umalis ito sa harapan niya at saglit may kinuha sa bag nito bago muling bumalik. Dala nito ang isang first aid kit at inumpisahan na nitong gamutin ang mga sugat sa kanyang paa at talampakan na natamo niya sa pagtakbo nang walang sapatos.

She was used to all kinds of wounds. She was so used to pain before that she started feeling so numb already. She can't feel pain anymore, she can't even feel a thing.

Kaya siguro hindi na niya napansin ang mga sugat sa paa dahil wala na talaga siyang nararamdaman pa. Pagkatapos nitong gamutin ang kanyang paa ay sinabihan na siya nitong maligo at magpalit ng damit para makapag-agahan na sila.

Gusto niya komprontahin na ito at sabihing huwag na siyang paki-alaman pa, ngunit ilang beses na ba niyang ginawa at sinabi iyon pero sadyang matigas ang ulo ng binata at ayaw makinig sa kanya.

He'll eventually stop when this is over.

Aniya sa isip. Titigil din ito kapag natapos na niya ang pakay roon at kapag bumalik na siya ng States. Maghihiwalay din ang landas nila at makakalimutan din siya nito.

Tahimik na naman silang pareho habang kumakain ng almusal. Sila lang yata roon ang hindi naguusap, samantalang halos lahat ng mga nasa ibang mesa ay panay ang kwentuhan.

Maya-maya pa ay lumapit sa kanila ang babaeng receptionist na kausap nila kahapon.

"Mr. Henri Laveau has arrived." Anito na ang tinutukoy ay ang ama ng may-ari ng lugar na iyon. "He's at the garden area." At sabay ngiti sa binata.

S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon