Chapter Two

3.1K 129 8
                                    

"There's a ghost behind you Striker." Sigaw ni Keeper sa harap niya pagpasok niya ng kanilang headquarters.

Tulad nang nakagawian niya ay titingnan lang niya ito habang nananatiling blanko ang kanyang mukha.

Sanay na siya sa ganitong pang-aasar ng ibang mga agents, lalo na sa Team Bravo. Hindi niya pinapatulan dahil hindi rin naman niya iniitindi ang mga pasaring ng mga ito. Para sakanya ay wala siyang paki-alam sa lahat basta ginagawa niya ang trabaho niya.

"Stop it, Keeper." Saway ni Hunter sa ka-grupo nito bago siya binalingan. "Don't mind him Striker, he's just so into you and he's doing this because he wants you to notice him." Nakangiting wika ni Maxwell.

Tiningnan lang din niya ito at ibinalik ang tingin kay Keeper pagkatapos ay naglakad na siyang muli papunta sa kwartong naka-talaga sa grupo nila.

Alam niyang imposible na magkagusto sa kanya ang mga kasamahang agent dahil bukod sa kakaiba siya ay marami ang mas magagandang babae roon kaysa sa kanya na simple lang.

She doesn't wear any make-up like Aphrodite and Reese. She's like Archer but a more simple look than her. Atleast Avery is wearing her hair up or wearing semi-revealing clothes but she, she never exposes her skin and she just let her long brown hair down.

She did wore revealing clothes a couple of times before, because it was only necessary for her assignment- for her target.

"I just want to see a different reaction from you, Yasi, that's all." Sigaw ni Keeper habang natatawa.

Rinig ang tawa nito hanggang sa makapasok na siya sa loob ng kwarto kaya't napalingon sa kanya ang dalawang kasamahan na sina Sniper at Hacker.

"Pinagti-tripan ka na naman ba nina Keeper?" Si Hacker.

Kinibit lang niya nang bahagya ang balikat bago dumirecho sa kanyang upuan.

"If I can just shoot Justin's head then I would probably have done it before because of his jerk attitude." Ani Sniper na si Keeper ang tinutukoy.

"Bakit si Justin lang? Isama mo na lahat ng ka-team niya lalo na yung lider nilang si Maxwell. Sarap tadyakan minsan sa mukha eh." At umakto pa si Stewart na parang gusto ngang gawin ang sinabi.

"Well Hunter never acted a jerk towards me so I'm not gonna shoot him." Pagtatanggol ni Reese sa lalaki.

"Tss! Don't fall for his 'im-a-nice-guy-attitude' because his far from that."

Patuloy sa pagtatalo ang dalawa hanggang nauwi na sa tawanan at asaran. Minsan talaga hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng inggit sa mga taong masaya. Na para bang napakadali sa mga ito na tumawa kahit wala namang nakakatawa.

She's really an abnormal person because she never understood any funny jokes. It was so hard for her to just laugh and never minding about anything else.

Dahil hindi na niya matiis ang masasayang tawanan ay muli siyang tumayo, bitbit ang ilang gamit ay lalabas na siyang muli para magpunta sa laboratoryo.

"Hey, where are you going? Kararating mo lang ah." Si Sniper.

"Are you going to lock yourself again inside your lab?" Si Stewart na tumayo pa. "Tatlo na nga lang tayo rito, iiwan mo pa kami? Sina Ryder at Dagger nasa misyon, si Archer naman, ayun magbabakasyon daw sa Pilipinas. Eto kasing si Reese, suspended pa din hanggang ngayon kaya dito lang din siya para maging back-up ng lahat." At saka ngumisi sa dalaga para asarin.

"I have work in the lab." Sagot niya at itinaas pa ang mga papel at ibang gamit na dala niya para ipakita sa dalawa bago siya tuluyang lumabas na.

Mas gusto rin naman talaga niya sa kanyang laboratoryo dahil dito may sarili siyang mundo. Dito, walang maingay at wala siyang kailangang kausapin o pakisamahan.

S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon