Chapter 8: Rejoice Always

209 20 2
                                    

8: Rejoice Always

NAPAHAWAK NA LANG ako sa aking noo nang matapos ang major subject examination. Ang aking pakiramdam ay piniga nang todo ang utak ko dahil sa kakaisip ng mga pangyayari kanina- sa mga pinaggagawa kong solusyon. Lutang ang feeling ko. Para akong lumilipad pero walang pakpak. Naglalakad na kami ng mga kasama ko patungo sa library para maka-review sa susunod na midterm exam.

Sa aking paglalakad ay muntik pa 'kong ma-out of balance. Mabuti na lang at Accountancy student ako at nakapag-balance. In Accounting kasi, uso ang balancing sa worksheet like sa financial statements.

"Hoy Deleesha, ano'ng nangyayari sa 'yo?" natatawang saad ni Addielle.

"Wala, wala." Natawa na rin ako sa kanya. Pinagpag ko ang black shoes ko dahil naalikabukan.

Sana pati rin sa mga solutions nakaka-balance ako, e.

Mas lalo tuloy akong natawa dahil sa naiisip ko.

"Nababaliw ka na ba at tawa ka nang tawa riyan?" medyo nagtataray na sambit ni Addielle.

"Bakit ba? Rejoice always nga dapat e!" Tumatawa pa rin ako pero pinakalma ko na ang sarili ko para hindi na tumawa. Gawin ba namang literal ang rejoice always. I laugh again after thinking about this but I just silently do it.

"Oh, okay." Mukhang na-gets naman niya dahil tinignan ko siya sa mata na ang ibig sabihin ay ang motto in life na sinabi ko noong nagpapakilala kami noong first day namin.

"Okay class. Dahil masiyadong common ang name, address, age, etc ang pagpapakilala... Dagdagan natin ng motto in life. And find a thing in your bag that will describe you. P'wede ba class?"

Oh. Ano kayang motto in life ko? At ano'ng gamit ang mag-de-describe sa 'kin?

Natutuwa ako sa mga nagpapakilala kong kaklase dahil bentang-benta ang Jeremiah 29:11 na verse for motto in life.

Tumayo na ako nang ako na ang magsasalita sa harapan. "Deleesha Audree B. Lennox. 19 years old. From ****. My motto in life is rejoice always. I can describe myself through this thin paper. You all know that paper is very useful, right? And like me, I can help with all the things I have and also like a paper..." Pinunit ko sa harapan nila. "I'm easily to be hurt. I'm sensitive."

Hindi ko namalayan na nandito na kami sa harapan ng library dahil sa paglalakay ko sa nakaraang mga kaganapan. Pumunta muna kami sa baggage counter para iwan ang mga bag. Kinuha muna namin ang mga handouts na kailangan para mag-aral.

"Ano'ng date na ba ngayon?" tanong ni Jeziell pagkapasok namin sa first floor ng library. Nakahanap na kami ng maayos na pagpupwestuhan. Magkatabi kami ni Addielle at nasa harap namin si Erynne at Jeziell. Ang katapat ni Addielle ay si Jezielle at ako obviously, si Erynne.

"October 3, 11:30 am, at 2nd day of midterm exam. Ayan ah, kompleto na para hindi ka na magtanong." Sinasabi iyan ni Addielle habang nakatingin sa lockscreen ng phone niya. Pagkatapos niya sabihin 'yan, tumawa siya. Sinamaan siya ng tingin ni Jeziell. Natawa kami ni Erynne sa kanilang dalawa.

Don't tell me na maghaharutan sila-

Tinapik siya ni Jeziell at gumanti naman si Addielle. Sinaway naman sila ni Erynne, "Nasa library tayo. Ano ba naman?" Natawa ako kay Erynne. Dahil sa pagsaway, tumahimik na sila.

Give me Faith (Completed)Where stories live. Discover now