Chapter 6: Scars

242 23 0
                                    

6: Scars

UMIWAS NA AGAD ako ng tingin kay Addielle kasi naiilang ako. Ang mga mata ko'y nasa malayo na nakatingin. Naiisip ko ang pagtatangka kong ginawa kani-kanina lang.

Na-gi-guilty ako. Mas lalo lang ako nahihiya ngayon sa Kanya dahil ang buti Niya at niligtas ako sa bingit ng kamatayan kanina. Kung natuloy 'yon, siguro nasusunog na 'ko sa impiyerno dahil for me, kasalanan ang patayin ang sarili. Mas lalo lang akong maghihirap kapag natuloy iyon. Ang buti-buti pa rin Niya!

"Sabi ko na, e! Buti na lang sinunod ko ang conviction na nararamdaman ko na huwag kang mawala sa paningin ko. Pinag-alala mo ako nang sobra! Nakakainis ka talaga!" Tumayo siya dahil sa pagkabagsak namin sa sahig. Pagkatayo, pinagpapalo niya ako sa may balikat. Naputol ang tingin kong malayo at naibaling na ito sa kanya. Ang mga kamay ko'y kusang gumalaw upang magbigay ng sign na tama na.

"Sorry, sorry." Not my intention, ack.

Masiyado akong padalos-dalos. Hindi ko inisip ang mga tao sa paligid ko; ang mga taong maaaring masaktan kung natuloy ang binabalak ko. Naging makasarili ako kanina dahil naka-focus lang ako sa nararamdaman ko at hindi ko inisip ang iba. Nagpadala na naman ako sa emosyon ko.

"Sorry ka riyan. Kay Lord ka mag-sorry!" Kinusilapan niya ako at nag-cross arms siya.

"Cute mo!" Tinitigan ko siya. Tumayo na ako pagkasabi no'n.

"Ay aba, tse! Nakakainis ka talaga, sobra— sobra!" Pagkatayo ko, tinuloy pa rin ang pagpalo sa 'kin. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? May problema ka ba?" Pagkatapos niyang sabihin iyan, tumigil na siya sa pagpapalo.

"Wala, wala."

"Sus, magsisinungaling ka pa! Malay mo, matulungan kita."

"Ma-le-late na tayo. 3:40 pm na oh," sabi ko sabay tingin sa relo. Kinuha ko na ang black shoes na hinubad ko kanina para suotin na.

"Wala akong pakialam diyan. Ano nga—"

"Aray!" Napainda ako sa sakit dahil nakalimutan kong may sugat pala ako sa may dulong bahagi ng paa ko dahil hindi pa rin ako sanay sa may hills na sapatos.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Wala—"

"Aba't magsisinungaling ka pa rin. Tingin!" Yumuko siya at tinignan ang paa ko. Hindi ko na siya napigilan.

"Hay nako, mamaya lagyan natin ng band aid kasi baka ma-irritate 'yan." Iniangat na niya ang sarili pagkatapos tignan ang paa ko.

"Sige, salamat."

"Bago tayo bumaba, may gusto lang pala akong sabihin sa 'yo. Hindi ko alam pero sa tingin ko kailangan mo 'to."

"Ano 'yon?" Kinakabahan talaga ako sa tuwing naririnig ko ang 'may sasabihin'. Kaloka.

"Huwag dapat itago ang sugat; alam ko naman na kanina pero you still deny it. Mas lalala lang 'yan 'pag tinago mo pa." Natahimik na lang ako dahil mas pinili ko siyang pakinggan.

"Minsan, mas pinipili nating itago ang sugat kasi nakakahiya. Pero never naging solusyon ang pagtatago. Sa halip, mas mainam na ipakita mo 'to sa gagamot sa 'yo at nang malunasan. Huwag ka dapat tumanggi sa way ng pag-heal sa sugat mo. Iyon lang, tara na! Quarter to four na." Tinignan niya ang oras sa relo ko.

Hinawakan niya ang kamay ko pagkalakad namin. She smiled at me nang tumingin siya sa 'kin. Bumwelo na kami ng takbo dahil ma-le-late na kami. Fifth floor pa kasi ito.

Give me Faith (Completed)Where stories live. Discover now