Chapter 1: Journey in Senior High

1.4K 41 36
                                    

1: Journey in Senior High

ANG DAMING KAILANGAN tapusin na mga projects at assignments- shooting dito, sulat doon, revise ng research paper dito, nag-da-drawing doon... tapos nagkakasabay pa ang final exams namin ngayon. Teka lang, po! P'wede pahinga muna? Charot lang pala. Ganito pala ang feeling ng graduating! Grade 12 na kasi e. Waah!

Masiyado naman ata mabilis ang panahon. February 2019 na ngayon. Entrance exam na pala bukas sa University na balak kong pasukin kapag college na 'ko. Lord, Ikaw na po ang bahala!

"Buti pa kayo Addielle, tapos na ang defense ninyo sa research. Kami, entrance exam tapos iisipin pa ang defense. Hay," reklamo ko sa kaibigan ko.

"Deleesha, matatapos din 'yan. Kaya 'yan!" pag-cheer up niya.

"Yay, salamat."

Pag-uwi ko rito sa bahay, nagkasabay-sabay sa utak ko ang lahat ng mga gagawin. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Ako kasi 'yong taong kahit ayo'ko isipin ang mga nakaka-stress na mga bagay, iisipin at iisipin ko pa rin 'yon. Kahit nga nakahiga na 'ko ay ganoon pa rin.

Lord, Ikaw na po ang bahala. Ayo'ko na po ang sobrang nag-aalala.

Iyan ang problema ko kasi. Kapag may isang bagay na p'wede mag-trigger sa 'kin na mag-alala, hindi ako makahinga nang maayos. Hindi ko nais mag-alala pero napaka-overthinker ko.

Tapos sasabay pa ang unexplainable sadness na talagang nagpapahirap sa 'kin. Araw-araw na lang at hindi ako tinitigilan. Hindi ko alam ang pinagmumulan no'n. Parang may black hole akong palaging nararamdaman. Tapos, para akong nalulunod na nagpupumilit pa ring lumangoy.

Nang matapos na 'ko sa mga routines sa bahay, nagsimula na 'ko sa dapat mga gagawin. Kinuha ko sandali ang cellphone ko para sa updates kasi hindi ka lang makapag-online ng ilang oras, may hindi ka na malalaman. Paano na lang kaya kung wala kang signal sa inyo? Thank You Lord kasi kahit ubod ng bagal ng data sa 'min, nakakahanap ako ng signal just to have an update.

Nag-loading na ang messenger ko. At ayun, naglalabasan na ang mga chats.

May chat pala ang isang subject teacher sa GC namin sa kanya kaya agad-agad ko itong binuksan.

Entrep- ABM 12- Pacioli: Sir Calvin....

Lord, nawa hindi na naman 'to pan-ti-trip ng teacher-

"Mag-pass kayo bukas na bukas ng 5 pages na yellow paper back to back at maliliit ang sulat about sa entrepreneurship. Ang hindi makapag-pass ay mag-drop out na sa subject ko! Salamat."

Ano raw?

"Tapos 'yong mga requirements pa na sinabi ko kahapon dito sa GC, portfolios and video bukas na rin."

Teka, gusto kong huminga muna! Ano'ng sabi niya? Eto ang ayo'ko talaga e. Huwag ninyo akong ti-ni-trigger, please...

Napahawak na lang ako sa aking dibdib. Pansin ang aking mabilis na paghinga kasi hindi ako makahinga nang maayos. Ako'y nahihirapang maglabas ng carbon dioxide. Ay taray naman. Hindi ko talaga favorite ang science subject. Kaya ako nag-ABM para umiwas sa science.

Napahawak ako sa may bandang noo ko. Biglang sumakit ang ulo ko. Ang bigat ng paghinga ko. Na-i-i-stress na naman ako.

Lord, ano na naman ba 'tong trip ng teacher namin?

Give me Faith (Completed)Where stories live. Discover now