Chapter 2: Have Faith

604 32 8
                                    

2: Have Faith

"LET'S NOW PROCEED to with honors!"

Kasalukuyan kami ngayong nasa gymnasium ng aming pinapasukan na eskwelahan, ang aming alma mater na. Ngayon kasi ay ang graduation ng batch 2018-2019 na Senior High dito.

Nakasuot kami ng toga. Ang init naman suotin ito. Hay. Kanina pa nga tulo nang tulo ang pawis ko kaya panay punas ko rin. Pawisin lang talaga ako. Wala na ang make up. Ay naman. Gusto ko nang tanggalin ang toga kaso after na lang ng event na ito. Kailangan namin tapusin ito e.

Marami ang nakakamit ng with honors sa batch namin. Tuwang-tuwa ako dahil marami ang achiever dito sa school namin. Habang naghihintay sa kanila, nagbukas lang ako sandali ng Facebook para lang tumingin ng mahahalagang messages. Sandali lang talaga, promise. Alam ko bawal 'to e!

I may be weak but Your Spirit's strong in me
My flesh may fail, but my God, You never will

Iyan ang pinakauna sa newsfeed ko pagka-open ng FB lite. I love the message. I just remember kung anu-ano ang pinagdaanan ko- hindi lang sa pag-aaral kundi sa personal na buhay ko. Mahina ako pero Siya lang ang nagpapatatag sa 'kin. Marami akong failures, but kahit minsan, Siya ay hindi nag-fail.

Ni-screenshot ko na lang 'yong sentence kasi baka mahuli pa 'kong nag-se-cellphone.

"Now, let's go to the students with high honors!"

Maraming mga pangalan din ang nabanggit, ngunit mas marami pa rin sa with honors.

"Kingsley, Addielle L."

Pumunta na sa stage ang kaibigan ko and ayun na nga, sinabit na sa kanya ng Mama niya ang kanyang medal. Nag-smile na sila dahil sa cameraman na mag-pi-picture at sila'y talagang nakabantay sa tapat ng stage, sa bawat graduate na tatayo roon.

"Lennox, Deleesha Audree B."

Habang papunta ako sa stage, naalala ko ang mga sakripisyo ko at maging ng aking mga magulang upang makapagtapos. God is so good talaga. Grabe lang. Natapos na 'ko ng Senior High. Naalala ko lang, grade 7 ako nang simulang tumapak sa eskwelahang ito.

Hindi ko rin maisa-isa kung paano ako naging with high honors. Sabi ko nga 'di ba, hindi ako matalino? To God be the glory lang talaga ang lahat ng ito.

Naalala ko, with honors ako noong grade 11 noong midterm ng first semester. Nangarap lang ako na maging with high, and then... Ito na. Praise God talaga!

Nandito na 'ko sa harapan ng stage. Sinabitan na 'ko ng medal. And as usual, smile smile smile after ng lahat ng mga pinagpaguran. Napakabilis lang talaga ng panahon. Noon lang, kinder ako, grade 7 sa school na ito, and now, graduated as Grade 12.


Ang program for graduation ay nagtatapos sa pagkakanta; ito ay damang-dama ng bawat isa. Inaasahan kasi na magkakahiwa-hiwalay ang aming landas dahil kami'y kolehiyo na niyan. Ito na ang huli na magkakasama kaming buo rito sa eskwelahang ito. Nag-picture-picture na kami. And it ended well.

I will miss you all...

Bakasyon na pero hindi ko ramdam dahil panay ang balik namin sa school upang makuha ang mga kailangan requirements para magpasa sa scholarships. Kailangan munang makumpleto ang pirma sa clearance upang tuluyan nang makuha ang report cards namin, etc.

Give me Faith (Completed)Where stories live. Discover now