Chapter 3: Welcome to College

400 25 34
                                    

3: Welcome to College

"CONGRATS SA 'TIN, guys."

Eto ang bungad na chat ni Addielle pagka-online ko. Bakit congratulations? Ano'ng meron?

Ni-back read ko ang naging chats nila at nakita ko ang pics na s-in-end regarding sa result ng scholarship na ginawa kong pretest dahil hindi ko alam sagutin.

I opened my Facebook to see the post kahit s-in-end na ang pictures ng result sa 'min. Tinignan ko isa-isa kung sinu-sino ang mga nakapasa. Kaming magkakabarkada ay nakalagay doon ang pangalan. Praise God!

I heart the post. Thank You Lord.

Malaking tulong na ito kahit papaano. Hindi ko alam kung paanong nangyayaring pumapasa pero iba talaga kapag Siya ang kumilos.

And regarding sa result ng scholarship sa CHED, wala pa. Mag-aabang kami ng announcement doon pero feeling ko hindi kami makukuha e. Buong region 3 kasi ang i-ra-ranking.

"Paano pala basehan ng scholarship sa CHED raw?" tanong ko sa GC.

"Sabi sa average at income ng parents," sagot sa 'kin.

Kahit na 96 ang average ko, sa tingin ko talaga ay walang chance 'to. Ako na naman si negative e.

"Ah sige, salamat."

Lumipas na ang isang buwan. Wala na naman akong napala sa buhay. Lagi lang akong nakatulala sa bahay. Never namasyal o gumala. Na-bo-boring ako rito sa bahay.

Umalis lang sandali sila Mama at Papa kaya nag-iisa ako ngayon sa k'warto namin. Nakaupo ako ngayon; nakatungtong ang dalawang siko sa may mesa. Isang k'warto para sa 'ming tatlo. Oo, mag-isang anak lang ako. Pero hindi ko tinuturing na sumpa iyon dahil kung marami man akong kapatid, sa tingin ko'y mas maghihirap lang kami.

Maniwala kayo't sa hindi, kulang-kulang 3,000 ang income sa loob ng isang buwan. Hindi ko maipaliwanag kung paano man kami nakaka-survive but the Lord provides we need and He is good all the time kahit ang sitwasyon ay mukhang hindi. It's part of His plan na talagang hindi man natin maintindihan sa una ngunit kung magtitiwala tayo, hindi tayo mabibigo sa Kanya. Hindi mapapahiya ang mga nagtitiwala sa Kanya.

I played the music give me faith while I am waiting for my parents. Ewan ko, naging isa ito sa mga paborito ko ang kantang ito.

Nag-pe-play na lang ako ng Christian music kasi everytime na nag-iisa ako, inaatake na naman ako ng lungkot. I'm so vulnerable when I'm alone.

🎶 I need You
To soften my heart and break me apart
I need You
To open my eyes, to see that You're shaping my life
All I am, I surrender

"Lord, if dumating ang mga sitwasyon na kung saan ay wawasakin ako, please let me know ang purpose at matutunan ko and please paalalahanan Mo ako na parte iyon ng plano Mo para sa 'min din."

🎶 Give me faith to trust what You say
That You're good and Your love is great
I'm broken inside, I give You my life

Bigla na lang ako napaluha dahil naiisip ko ang lahat ng ginagawa ni Lord sa buhay ko sa kabila ng aking mga pagkukulang. He's so good. His love never fails. He fills my emptiness. He comforts me. He is my everything.

🎶 I need You
To soften my heart and break me apart
I need You
To pierce through the dark and cleanse every part of me
All I am, I surrender

"I need You, more than yesterday... Please, I can't live with real joy and peace without You."

Nangangapa talaga ako pabalik sa Kanya. Hindi ko alam. Gusto ko i-surrender talaga sa Kanya ang lahat pero sa tuwing gagawin ko 'yon, sa palagay ko palagi akong may s-in-et aside; palagi akong may itinatago.

Give me Faith (Completed)Where stories live. Discover now