34 ~ Day

303K 8.3K 2.4K
                                    



CHAPTER THIRTY FOUR

NAGPAKAWALA si Clane ng isa pang malakas na suntok at tuluyang nang nabuwal ang inuupuan ni Samuel kasama ito. Bumagsak sa sahig, duguan ang mukha at namamaga.

Isang hakbang ang ginawa niya at marahas na hinaklit ito sa kwelyo. Umigkas ang kanyang kamao ngunit mabilis na napigilan siya ni Caston.

"Enough, brute." Awat ng kaibigan.

Clane's hands are trembling because of so much anger. Nagdidilim ang paningin niya, hindi na magawa pang kontrolin ang rumaragasang galit sa dibdib.

"You!" Dinuro niya si Samuel na halos mawala na sa ulirat. "I will make sure that your life will be miserable!"

"T-That's useless, Altaraza." Samuel spat a blood. "How's Keith, by the way? Ang kaibigan mong nagpapaka bayani kahit wala na sa serbisyo-"

Muli niya itong hinaklit sa kwelyo, ang dilim dilim na ng kanyang paningin. Pakiramdam niya ay kayang-kaya niya ng pumatay sa mga sandaling 'yon kung wala lang si Villareal na siyang panay ang awat sa kanya.

"Don't you fucking dare say his name again or I will fucking kill you... right now." His voice was stern and menacing.

Naglalabasan ang mga ugat sa kanyang leeg at nag-iinit ang mga mata sa labis na pamumula niyon dahil sa galit na naiipon sa dibdib.

"Wag mo ng dungisan ang mga kamay mo, Clane. Ang mga tao ko na ang bahala sa tarantadong 'yan."

"I'm not scared to die. Kahit patayin niyo ako ngayon mismo, wala akong pakialam!"

"A devil will always be a devil. Hindi ka takot mamatay? Okay." Villareal pointed a gun to Samuel's leg and pulled the trigger without hesitation.

Pinanood niya kung paano nabuwal ulit si Samuel, ngunit hindi nakitaan ng kahit na anong pag inda sa mukha, kundi, pagkamunhi para sa ginawa ng kaibigan niya rito.

"You will pay for this!"

"Oh," Caston pointed a gun on Samuel's another leg and pulled the trigger again.

"Fuck you!" Samuel spat.

"Don't fuck with me, Samuel. Mas masama ako magalit kumpara rito kay Altaraza. Ngayon, bigyan mo ako ng isang magandang dahilan para buhayin ka pa."

"Just kill me."

"I'm sure Clane knew your reason, but I want to hear that reason from you."

"He knew?" Samuel smile evilly at them. "That stupid ex-military did not know even a bit of my plan from the start."

"Yeah?" He smirked.

Natawa si Caston at umiling-iling.

"Kung may tanga man dito, ikaw 'yon gago! Linlangin mo na ang lahat huwag lang itong Altaraza sa harap mo."

"Kung alam niya talaga, hindi na siguro ako makakapasok pa sa balwerte niya. Muntik ko pa silang mapatay ng anak niya kung hindi lang nakialam ang Tuazon na 'yon- fuck!"

Napaigik si Samuel nang tapakan niya ang tama ng baril sa isang hita nito.

Nag squat siya kalaunan, sagad na sagad na ang pasensya.

"Putang ina, isa pang banggit mo sa kaibigan kong alam kong hindi pa natatahimik, hindi na ako magdadalawang-isip pa na iparanas sayo ang ginawa mo sa kanya."

"Here." Villareal gave him the gun.

Kinuha niya 'yon at itinutok sa dibdib ni Samuel, kung nasaan ang puso.

Territorial Men 6: Clane AltarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon