27 ~ Ring (SPG)

382K 8.5K 1.5K
                                    


CHAPTER TWENTY SEVEN

"SAMUEL is calling."

Clane didn't move even she informed him about his caller. Siya dapat ang sasagot kaya lang ay namatay ang tawag, hindi na siya nabigyan nang pagkakataong mangialam.

"Bakit siya tumatawag? Close na kayo?"

"Hindi."

"Bakit alam niya ang number mo?" Mas curious na tanong niya.

She knows Clane enough that he's not the type of a person who you can easily get in touch to, unless it's business? Minsan nga ay hindi parin talaga lubusang maabot ito kahit na usapang negosyo naman. He's too high to reach, that's how she picture him as a man. His full attention can't buy, it's priceless.

Ngayon na kasama niya si Clane at nalalapit na ang pag-iisang dibdib nila, hindi niya maiwasan na makaramdam nang pagmamalaki sa dibdib dahil sa lahat ng babae, siya ang napili nitong pakasalan. Siguro ay maswerte lang talaga siya kumpara sa iba.

"Because I want to be updated with your mother. She's away from us. I don't want you to worry here about her safety."

"Wala naman dapat ipag-alala kung walang banta sa buhay niya. O, baka..."

Umawang ang labi niya nang walang pahintulot na rumishistro sa isip niya ang mga negatibong bagay na maaaring mangyari.

"Okay lang ba si mommy? She's still moving on with what happened to daddy. Oh, God, we need to visit her as soon as possible." Panic attacked her.

Bahagyang humiwalay lang ng yakap sa kanya si Clane, nanatili parin ang pagdidikit ng katawan nila, nakakulong parin siya sa pagitan ng mga hita nito. Nakapalupot ang matitigas na braso nito sa bewang niya, nang-aangkin.

"I told Samuel to report on me often as possible. Your mom is fine. She's enjoying exploring her hometown."

Humupa ang biglaang pag panic niya sa balitang 'yon. Yesha inhale, then slowly exhale.

"Bakit mo ito ginagawa, Clane?" Lumamyos ang boses niya habang nakatingin sa malalim na mga mata nito.

Maningning ang mga ilaw sa lungsod ngunit hindi magawa ng mga 'yon na rumepleksyon sa mga mata ng kaharap. Ang mga mata ni Clane ay may sariling kislap na nahihirapan siyang unawain. Talaga nga yatang isa itong malalim na palaisipan na tila matagal niya pa bago tuluyang masagutan.

"Because she's a family to me and I'm responsible to her safety, like you."

Kung bakit dapat ay mangibabaw ang tuwa sa kanya, imbes, ay nakaramdam siya ng kirot sa bandang dibdib. Normal ba talaga na maaaring magsabay ang saya at sakit?

To a man like him, she find it sweet knowing that he cares for her mother like how he cares on her, but, why it feels like something is bothering her because of his actions?

"Kinakabahan ako sa ikinikilos mo..." Hindi niya napigilan pang sambitin.

"Bakit?" Anito, nag-angat ng tingin.

Tumingala siya ng bahagya. Lumalalim na ang gabi, pero heto at nag-uusap parin sila na para bang hindi pa oras ng pagtulog.

"I just find it weird. Ewan ko." Itinawa niya nalang ang nararamdaman. "Siguro, sobra lang itong iniisip ko."

Marahan na hinagod ni Clane ang likod niya papunta sa magkabilang bewang. The warmth of his touch soothes her.

"Yeah, you just think too much. We better sleep."

Tumango siya at napatili nang buhatin siya ni Clane.

"Why?" He chuckled at her reaction.

Maingat na inilapag siya nito sa kama. Akala niya ay tatabihan na siya ngunit bumalik ito sa balcony. She watched him turn off his laptop and check something on his cellphone.

Territorial Men 6: Clane AltarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon