"Ano gagawin ko dito?"

Tinuro ko ang mga salamin na nasa tapat namin.

"Babasagin natin 'yon."
  
 

▬▬▬▬▬▬
 

 
 

── ♡├o FLAME
 

 
 

Tahimik akong nagawa ng mga paper planes gamit ang mga polaroid pictures nang biglang bumangon si Gunner mula sa pagkakaupo dito sa lapag. Natapakan pa niya 'yong eroplanong ginawa ko pagkabangon niya. Bwiset.

Tumayo siya at palakad lakad na parang may hinahanap. Tapos humarap siya sa'kin at---

Ayan na naman siya.

May sinasabi na naman siyang hindi ko maintindihan! Sasapakin ko na to eh!

"Inamu." sabi ko saka pinalipad ang ang paper planes na nayupi. Bumagsak iyon agad. Gunner kasi eh!

Mukhang natataranta si Gunner. Ano ba nangyayari? May naririnig ba siyang hindi ko naririnig?

Ay. Shet.

Wala nga pala ko pandinig.

Umupo si Gunner at biglang naghubad ng polo. Binato ko siya ng eroplanong papel. Ano ba tong lalaking 'to?!

"Gunner, kung mamamatay tayo dito, hindi parin ako makikipagsex sa'yo." sabi ko, pinitik niya ang noo ko bigla.

Aray! Joke lang eh!

Napangiwi ako nang makita ko ang sugat niya sa balikat na nagdudugo. Ang lalim talaga. Ako nasasaktan kapag nakikita ko eh. Iiwas na dapat ako ng tingin nang makita kong kumuha si Gunner ng dugo mula sa sugat niya. Natigagal ako sa sunod niyang ginawa.

Gunner used his own blood to write words on the white tiles.

Nasigaw si Hera at Echo.

'Yan ang sinulat niya.

Bish, what?!

"Ano sinisigaw?" sabi ko agad.

Tulong.

Napalunok ako.

"Tingin mo nasa panganib sila?" tanong ko. Tumango si Gunner na nag-aalala. Oh boy.

"Hula ko may ginawang katarantaduhan si Echo." sabi ko agad. Tumango ulit si Gunner.

Or nagmagaling si Hera.

Ang sunod na isinulat ni Gunner. May point. Minsan kasi si Hera nasosobrahan ng talino tapos nawawalan ng logic. Ewan ko ba dun!

Pinitik ni Gunner ang kamay kong abala sa pag-gawa ng paper planes.

Kailangan natin 'yan.

Ang sinulat niya sa tiles. Nako, Gunner. Mauubusan ka ng dugo sa ginagawa mo. Inirapan ko lang siya.

"Mamamatay naman tayong lahat dito, Gunner. I can already feel it." sabi ko.

Umiling siya.

Tss.

"Tingin mo may bubuhayin sa'ting sampu? Asa." sabi ko saka pinalipad ang eroplanong gawa sa polaroid. Base pa lang sa mga litrato sa polaroid pictures, sigurado na ako na puro mga baho namin ang ilalabas.

Edi ilabas nila. Whatever.

Ang babanal siguro ng mga nagdala sa'min dito. Mga wala siguro silang kasalanan kaya pinili kami. Edi kami na mali. Bawal magkamali? Perpekto ba kami? Tao kami, di ba? Hindi ba pwedeng naging tanga kami minsan at maging makasalanan? Gaano ba sila kalinis para husgahan nila kami ng ganito? Ano sila? Santo?

Luluhuran ko sino man ang nagkulong sa'min dito kapag napatunayan niya saking wala siyang kasalanan na kahit ano.

Kinuha ni Gunner mula sa'kin ang mga litrato. Natawa siya nang mapansing ginawa kong origami ang ibang picture!

"I'm bored.... and I'm hungry." Paliwanag ko at ginulo niya lang buhok ko.

Tinanggal ni Gunner ang pagkakatupi ko sa mga origami at paper plane. Tss. KJ. Akala ko trip niya lang mang-asar pero nagulat ako nang kinuha niya ang isang polaroid. Itinaas niya 'yon at ipinakita sa'kin.

The second picture.

Picture iyon ng isang babaeng short hair.

"Nominate." he mouthed.

Hinablot ko agad ang picture sa kanya. Mukha siyang nagulat.

"We're not going to nominate anyone." inis kong sabi saka inilayo ang mga litrato sa kanya.

Gunner grabbed my wrist.

"Please trust me." he wrote using his blood.

He looks so serious. Umiling ako.

"We're not gonna risk anyone's life, Gunner."

Natigilan siya.... saka lumuwag ang pagkakahawak sa'kin. His eyes changed. Biglang lumamig. May sinabi siya pero hindi ko na naman naintindihan. Lumayo si Gunner at umupo na lang malayo sa pwesto ko.

Sinundan ko siya ng tingin.

Gunner is mad.

Ganoon ang eksena nang may biglang lumabas ulit sa screen.

23:59:59

Napalunok ako.

Now there's a fucking timer.

Great.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now