50.

188 13 5
                                    

Humingi ako ng tawad sa ospital dahil sa nagawa ko at sobra ang pasasalamat ko dahil sa pagintindi nila sa akin. Nakinig silang lahat sa sinabi ko at sa huli ay naniwala sila sa akin. Malakas din ang kutob nila na nangyayari ang lahat ng bagay na ito dahil sa pagiging malapit ko sa pusa. Tinulungan nila akong hanapin ang dating intern at sa loob nga ng apat na araw ay nahanap namin siya sa Butuan City. 37 year's old na siya at tulala pa rin. Nakakapagsalita pero halos pabulong na lang. Sinabi ko sa kanya ang lahat at sa tulong nga ng kapatid niyang nagaalaga sa kanya ay nagawa ko siyang maintindihan. Inuto niya sa akin na ipahanap ang mga labi ng batang babae at kapag nagawa ko iyun irekomenda ko raw sa ospital na ipalibing iyun ng maayos nang nasasaksihan ang seremonya ng mga magulang nitong nagabanduna sa kanya. Noong huling mga araw ni Sonya sa hospital, gusto lang daw nito na makita ang mga magulang sa huling pagkakataon. Hindi ito nangyari kaya't namatay itong hindi tahimik.

Sinunod ko payo niya at pinaalam ko sa ospital ang lahat. Nasa kanila pa ang mga buto ni Sonya, nakasilid ito sa isang sako sa bodega, pero ang problema, hindi na nila alam kung saan ang mga magulang nito. Nasa kanila pa rin ang mga pangalan at address nito pero ang mga detalyeng iyun ay sobrang tagal na kaya paniguradong mahihirapan na silang hanapin ito. Aminado ang ospital sa mga nagawa nilang pagkakamali kay Sonya at sa ibang pang pasyenteng hindi nakapagbayad ng bills, at alam nilang matinding karma na simula noon ang bumabalik sa kanila kaya pagkatapos nang masusing paghahanap sa mga magulang ni Sonya ay nag-resign na rin ang mga namamahalang doktor rito't pinaubaya na ang pamamalakad sa gobyerno.

Bago tuluyang maisapubliko ang hospital, sabay-sabay na dumalo sa libing ni Sonya ang mga staff ng hospital. Naroon din ang mga magulang nitong labis ang naging hinagpis matapos malaman ang naging karanasan ng anak nila. Halos ayaw bitawan ng nanay ni Sonya ang kabaong nito noong binababa na ito sa hukay. Maging ako ay naging emosyonal din sa tagpong iyon.

Pagkatapos ng libing, tumawag sa akin ang dating intern at laking gulat ko nang bumalik na sa dati ang pagsasalita niya. Hindi na rin siya tulala. Sobrang saya ako para sa kanya at inisip kong sana gaya niya, ay gumaling na rin ako ngayong tapos na ang lahat.

Bumalik ako sa trabaho habang nagpapagaling at sa awa ng Diyos, tila naging isang milagro ang pagkawala ng sakit ko. Simula noon, hindi ko na rin nakita ang pusang si Sonya kahit kalian. Iyun nga lang, may kakaiba akong napansin sa sarili ko. Sa mga pagkakataong pinagmamasdan ang mga taong dumadaan sa tapat ng receiving area, tila natatanaw ko agad sa aking isipan kung sino sa kanila ang mamatay sa araw na iyun o sa susunod pang araw pati na rin ang pamamaraan kung paano sila mamatay. Akala ko, guni-guni ko lang ang lahat pero totoo ngang nahuhulaan ko kung sino sa mga tao at pasyenteng pumapasok sa ospital ang mamamatay.

Hindi ko ito pinagsabi sa iba. Tinago ko ito sa sarili ko. Mamamatay ang lahat ng tao sa mundo pero hindi dapat natin nalalaman kung kalian, anong araw o oras tayo mamatay. Kasi kung hindi, may mangyayaring masama. Isang bagay na sobrang sama.

"Meow!" pagngiyaw ni Sonya nang makabalik siya sa ilalim ng table ko pagkatapos niyang mawala ng dalawang taon at talong buwan.

WAKAS.

The Cat Who Smells Death

By Joey J. MakathangIsip

Copyright 2019

TO GOD BE THE GLORY!

The Cat Who Smells Death and other Short StoriesWhere stories live. Discover now