7.

191 15 1
                                    

Isang sekretong protocol ng ospital namin ang hindi bigyang atensiyon ang mga pasyente naming sobrang laki na ng bill na tipong malabo na nitong mabayaran ang nasabing bayarin. Hindi lubos maarok ng isipan ko ang protocol na iyun pero dahil nurse lang naman akong tumatanggap ng sahod sa ospital na ito ay hindi ko na iyun tinuligsa pa. Pribado ang ospital na ito kaya madalas ay may kaya ang mga nagiging pasenyete. Pero minsan, mayroon din namang mahihirap lang at umaasa lang tulong ng gobyerno. Madalas akong nasa receiving area kaya madalas ay hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari sa mga ward. Pero dahil sa database na nasa loob ng computer na palagi kong kaharap, may ideya ako kung sino ang mga pasyenteng nagbibigyan ng pansin at hindi. At malinaw na malinaw sa akin na ang mga pasyenteng hindi nabibigyan ng pansin ay nauuwi sa pagkasawi... kahit na may pagasa pa naman talaga silang mabuhay. Hindi ka mamatay sa sakit mo sa ospital na ito pero mamatay ka sa dahil sa kakulungan mo ng perang pambayad.

The Cat Who Smells Death and other Short StoriesWhere stories live. Discover now