48.

136 12 0
                                    

Kumbinsido akong si Sonya ang may dahilan kung bakit ako nagkasakit ng ganito kaya't isang gabi, bumalik ako sa ospital at hinahanap ang pusang iyun. Pinuntahan ko ang lahat ng wards pero hindi ko nakita ang pusa. Pinagkaguluhan ako ng mga nurses at doktor nang nakita nila akong may dalang baril, hindi nila nagawang lumapit sa akin nang sinbukan nila akong pigilan.

Habang nakatutok ang dala kong barili sa kanila, dahan-dahan akong umtras hanggang makarating ako sa pasilyo patungong morgue. Agad kong naramdaman ang nakapanindig-balahibong lamig ng makarating ako roon. Doon lang din pumasok sa akin na may mga kuwarto pala roon ng mga pasyenteng hindi na kayang makapagbayad ng bills. At isa sa nga sa mga kuwartong iyun ay ang kuwarto ng batang babaeng dating namatay dahil sa Leukemia. Ang nagmamay-ari kay Sonya na Sonya rin ang pangalan.

Sumilip ako sa nasabing kuwarto at laking gulat ko nang makita ko ang pusa roon.

"Meow!" pagbati nito sa akin.

The Cat Who Smells Death and other Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon