Nagpatuloy ako sa trabaho ko nang hindi nababagabag sa kuwentong iyun. Kailangan kong kumita ng pera sa pamilya ko kaya kailangan kong umayos. Pinapakain ko pa rin si Sonya kapag bumibista siya sa ilalim ng table ko at kahit makailang beses na siyang nagagawi roon ay wala namang nangyayaring masama sa akin. Sa katunayan ay binubuwenas pa nga ako. Isang araw, nakita kong bumuo ng iilang numero ang buntot ni Sonya kaya tinaayan ko iyun sa lotto. Tatlong numero ang tinamaan ko at nanalo akong 50,000 pesos.
"Thank you rin, Sonya!" sabi ko sa pusa at dinilaan niya lang ang mga daliri ko pagkatapos ko siyang pakainin ng tulingan.
YOU ARE READING
The Cat Who Smells Death and other Short Stories
HorrorSonya, the cat, will always be here. She will always remain here. *** Cover art by Joey J. Makathangisip