31.

132 14 1
                                    

"Sa tingin mo, anong kasalanan ko?" tanong ni Sonya.

Gumagabi na at naguusap pa rin silang dalawa ng intern.

"Bata ka pa at may sakit ka, kaya imposibleng may kasalanan kang matindi."

Tumango si Sonya. Tama. Bata pa siya at may sakit siya kaya hindi pa siya nakakagawa ng matinding kasalan.

"Kaya siguro ako pinarusahan ng ganito kasi para hindi ko na magawa ang kasalanan na maari kong gawin kapag nagpatuloy pa akong mabuhay," eksplika ni Sonya.

"Hindi ko maintidihan, pasenysa na," ani ng intern.

"Kunwari, pagdating ko ng labing-walong taon, makakapatay pala ako ng tao. Kaya ngayong labing apat na taon pa lang ako, pinaparusahan na ako."

Napangiti si Nathaniel dahil doon. Isang matalinong dahilan ang sinabi ni Sonya.

"Ikaw? Anong matitinding kasalanan na ang mga nagawa mo?" tanong ni Sonya sa kanya.

"Siguro..." Napaisip si Nathaniel ng malalim. Hinuhukay sa kanyang isipan kung ano na nga ba ang mga matinding kasalanan ang nagawa niya. "Hindi ko alam. Wala akong maisip."

"Ibig sabihin, hindi ka pa nakakagawa ng matinding kasalanan," ani Sonya.

"Ganun ba 'yun?"

Ipinikit ni Sonya ang mga mata niya at tumango.

"At hindi ka makakagawa ng matinding kasalanan hanggang sa pagtanda mo. Dahil iyun sa puro ang puso mo. Mamamatay ka sa pinakanatural na paraan. Hindi ka makakaramdam ng sakit," ani Sonya habang hinahagod ng kanang kamay ang balahibo ng pusa niyang kasalukuyan pang kumakain ng tira niyang dalang pagkain ng intern na si Nathaniel.

"Mamamatay ako pagkatapos ng sampung araw. Dito samismong silid na ito. Pero hindi ako gaanong kasigurado dahil bago dumating angikasampung araw, nababanaagan kong may mangyayaring masama," deklara ni Sonya.Nanindig ang balahibo ni Nathaniel. Nakangiti lang si Sonya habang pinapanuodang pusa niyang kasalukuyan pa ring kumakain.

The Cat Who Smells Death and other Short StoriesWhere stories live. Discover now