10.

146 14 0
                                    

May mga taong nagdududang hindi ko kayang buhayin sina Mama at Papa pati na ang kapatid ko dahil babae raw ako, mahina at madali lang matukso sa pagaasawa. Pero alam kong hindi ako ganoon. Babae ako pero hindi ako mahina. At higit sa lahat, pagpaplanuhan kong maigi ang pagaasawa. Maagang nagasawa ang mga magulang ko at dumating kaming mga anak nila sa kanila ng hindi sila handa at ramdam ko kung gaano kahirap ang naging buhay namin. Matagal ko nang pinngako sa sarili kong hindi mararanasan ng magiging anak ko ang mga naranasan kong paghihirap. Ayaw kong sa mga pagkakataong magkasakit sila ay magaya sila sa nangyari kay Sonya.

The Cat Who Smells Death and other Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon