23.

130 14 0
                                    

Isang lalaking intern ang pumasok sa ospital sa kasasagan ng mga pangyayaring iyun. Madalas ay observation lang ang pinapagawa sa kanyang trabaho pero paminsan-minsan ay naataasan din siyang bisitahan ang mga wards. Isang araw, habang naghahatid ng bangkay papuntang morgue, napadaan ang intern sa kuwarto ni Sonya na katabi lang pala ng mga kuwarto ng mga bangkay. Ito ang unang pagkakataong magawi siya rito at hindi niya inaasahang makatagpo ng isang pasyente sa ganito kadiilim, ganito katago, at ganito kalayong bahagi ng ospital. Labis na kumurot ang puso ng intern nang makita ang sitwasyon ni Sonya. 

The Cat Who Smells Death and other Short StoriesWhere stories live. Discover now