5.

239 16 1
                                    

Ang rinig ko, sumulpot na lang daw ng basta-basta si Sonya sa ospital na ito isang araw. Wala ring daw saktong nakakalaam kung kalian ito dumating dito. Sabagay, hindi naman daw ito isang pasyente na kailangan i-record ang pagdating. Hindi rin nito kailangang magbayad ng bills. Malabo man ang kuwento kay Sonya at halos parang kathangisip na lang ang iba, isang kuwento ang narinig ko patungkol sa kanya na nagbigay ng kilabot sa akin. Sabi sa kuwento ni Nurse Jimmy, pinakamatagal na nurse dito sa amin, dati rawng pagmamay-ari si Sonya ng isang batang babaeng pasyente ng ospital na ito. May malala daw itong sakit at dito raw ito pinasok. Madalas dawng magisa si Sonya dahil laging nasa trabaho ang kanyang mga magulang para kumita ng pera pambayad sa ospital. At ang tanging kasa-kasama niya sa mga panahong magisa siya ay ang kanyang pusang pinangalanan niyang 'Sonya' na siya ring pangalan niya.

The Cat Who Smells Death and other Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon