33.

131 14 0
                                    

Sinubukan ni Nathaniel ang kakayahan ni Sonya pagkatapos ng isang araw nilang pagkakakilala niya rito at talagang nahuhulaan nga nito kung sino ang mga susunod na mamatay. Nagbibigay si Sonya ng room number sa kanya at pagkatapos ng sampung oras ay namamatay nga talaga ang pasyente na may-ari ng kuwartong nahuhulaan nito.

"Ngayon, hindi naman pasyente ang mamatay, kundi isang doktor," deklara ni Sonya nang bisitahin niya ito kinabukasan para bigyan ng pagkain at hindi nga ito nagkamali, dahil ang isa sa mga neurosurgeon na nagsagawa ng operasyon sa araw na iyun ay inatake sa puso habang ginagawa ang procedure.

The Cat Who Smells Death and other Short StoriesWhere stories live. Discover now